Nakasandaang buntung-hininga na yata si Tin. May 2 hours na yata syang nakatunganga kasama si Slater. Naiinis na talaga sya sa mga pangyayari.
Sino ba naman ang matutuwa na makasama nang buong magdamag ang taong kinaiinisan nya? Bukod pa dun, malilintikan sya sa mommy nya, dahil gabing-gabi na at wala syang pasabi na hindi sya makakauwi.
Her stomach grumbled. Napangiwi sya, sabay himas sa tiyan. Hindi pa nga pala sya nagla-lunch.
Nagulat sya ng hagisan sya ng plastic na may laman ni Slater. Napatingin tuloy sya dito.
“Pagkain yan, alam kong gawain mo ang kalimutan ang mag-lunch kaya I’m sure gutom ka na.” sabi nito habang nag-ta-type sa keyboard.
Tiningnan nya ang laman ng plastic, may dalawang sandwich, isang potato chips at isang bottled iced tea. Napangiti sya, kahit paano pala ay sweet ang unggoy. Tumayo sya sa kinauupuan at lumipat sa tapat ng desk nito.
‘“Here, share tayo, di ko naman ‘to kaya ubusin eh.” Alok nya dito, sabay abot ng isang sandwich dito.
Hindi ito umimik. Tahimik nitong kinuha ang sandwich at sinimulang kumain.
“May itatanong ako sa’yo.” Basag nya sa katahimikan. Mukhang walang balak si Slater na kausapin sya.
“Ano yun?” tinatamad na sagot nito.
Gusto niyang mairita sa asal nito. Alam nyang sya ang may kasalanan kung bakit sila na-stuck sa lugar na yun. Pero kailangan bang tratuhin sya nito ng ganoon?
“Anong ibig sabihin ng sinabi mo nung isang araw?” -Tin.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” -Slater.
“Okay,” hindi na ako magpapanggap. Hindi ko kailangang maging genius para maintindihan ang pinapahiwatig mo. Alam kong alam mo na gusto ko ang kaibigan mo. Gusto ko lang itanong kung pano mo nalaman. Mahirap bang sagutin yun?”
He gave an impatient sigh. “You know, people around you don’t have to be geniuses as well to notice that your inlove with Carlo. It’s obvious,” he replied bluntly.
Napanganga sya. Hindi nya akalaing ganon sya ka-transparent.
“Don’t act surprised. Kung hindi mo sana gustong mahalata na patay na patay sa kaibigan ko, you shouldn’t have been so nice to nice to him. To the point na nagpapaalila ka na.”
Tin could feel her blood rushing to her face. Sana ay hindi na sya nagtanong. Ganito rin pala ang makukuha nyang sagot. Sabagay ano pa ba ang aasahan nya sa unggoy na si Slater?
Nanahimik na lang sya at ibinuhos sa pagkain ang inis na nararamdaman.
“I have a proposal,” mayamaya ay sabi ni Slater.
Hindi sya sumagot, hinintay nyang ipaliwanag nito ang proposal na sinasabi nito.
“I’ll help you get Carlo’s attention. Tutulungan kita para magustuhan ka ng bestfriend ko.”
Nagsalubong ang mga kilay nya, paanong hindi? Nakakawindang ang sinasabi nito. Pagkatapos syang away-awayin, bigla bigla na lang itong hihirit na tutulungan sya? Nagdududa tuloy sya sa motibo nito.
“What do you say? Do you like my idea?” –Slater
“Baket?” –Tin
“Anong baket?” –Slater
“Baket mo sinasabi sa’kin ang walang kwentang proposal na yan?” –Tin
“Because I know how much you love my friend. I’ll be happier seeing you with him, than always seeing you looking at him from a distance.” –Slater