Chapter 6

337 8 4
                                    

Titig na titig si Tin sa mukha ni Slater. Wala syang naintindihan sa 5 minutes speech nito. After ng meeting, lumabas na sya ng conference room. Gusto sana nyang lapitan ito pero naunahan sya ng hiya. Papasok na sya ng department nya ng may biglang humawak sa braso nya. Nagulat sya paglingon nya, si Slater! 

Slater: Don’t you have any plans of greeting an old friend? 

Tin: Of--ofcourse meron, ah..medyo nahiya lang ako. 

Slater: Have lunch with me. (ambilis ng lolo mo! Wahaha..) 

Tin: What??? 

Slater: Ilang taon lang tayong hindi nagkita, naging bingi ka na? 

(sabay hawak sa kamay nya, at hinila sya palakad.) 

Tin: Hey, wait! San mo ba ‘ko dadalhin? Hindi ako pwedeng umalis, may trabaho pa ko.. 

Pero deadma lang si Slater, dire-derecho naglakad habang hila-hila sya papuntang elevator. Habang pinagtitinginan sila ng ibang employee. 

Tin: Where are we going? (sakay na sila ng elevator) 

Slater: I told you we’re going to have lunch. Hindi ka ba naglinis ng tenga kanina at natabunan na ng tutuli yang eardrums mo?! 

‘Some things really never change, mapang-asar pa din ang damuhong unggoy!’ (sabi ni Tin sa sarili) 

Tin: 1 hour pa before lunch break! At bakit kailangang isama mo ko sa lunch mo? (nasa parking lot na sila.) 

Slater deposited her inside his silver sports car.

Slater: I hate to appear arrogant, pero nakalimutan mo yata na ako na ang bagong boss ng company? I can eat anytime I want. Isa pa, we have a lot of catching ups to do. 

Then he started driving. (tama bang gamitin ang pagka-boss? Walang nagawa ang tintin.. gusto rin???) 

@ the restaurant.. 

Slater: How are you Christine? 

Tin: I’m good.. umaasang malayo na sa Tin na lagi mong inaasar noon na kamukha ni Bugan.. 

Slater: (smiling) Well, that I noticed. And I must say, you look good. Very far from Bugan. 

(Tin smiled, atleast may magandang sinabi ang kumag.)

While eating, napansin ni Tin na hindi kumakain si Slater. Instead, nakatingin lang ito sa kanya. 

Tin: Bakit ka ganyan makatingin? (naiilang) 

Slater: Nothing! 

Hindi na lang sya nag-salita, pero napahinto na nman sya sa pagsubo nang mapansin nya na titig na titig pa rin si Slater sa kanya. (remember ang wagas na tititg?) 

Tin: May dumi ba ‘ko sa mukha? Bakit ka ba ganyan makatingin? Kanina ka pa ha! (kunwaring naiinis) Don’t you know it’s rude to stare? 

Slater: Masama bang tingnan ko ang para sakin ay isang magandang view? (charot!) 

Napanganga si Tin, may damage na ba ang eardrums nya at kung anu-ano ang naririnig nya? Hindi na lang nya pinansin ang sinabi nito. 

Tin: Anyway, how come you’re our new director? I thought that position requires a business major. 

Slater: Stanford Monteverde is my uncle. You do know he’s the owner of Monteverde Technologies. May isang anak si Tito Stan, but she’s still studying and walang hilig si Fretzie sa business. So sa akin na lang ipinagkatiwala ni Tito Stan ang kompanya. Gusto na kasi nyang mag-enjoy at mag-relax na lang, that’s why he retires early. Hindi ako gaanong nahirapan since Tito Stan trained me for this job. Besides, computer-related ang business nya, so kahit pano may alam na ako. 

Tin: So, you’re going to be my permanent boss? 

Slater: Something like that. 

Tin: Dapat pala, pagbutihin ko. 

Slater: Dapat lang, ‘coz im going to fire you kapag tatamad-tamad ka! 

Sabay pa silang natawa sa biro ni Slater. Mayamaya ay sumeryoso si Tin. 

Tin: Ah..ummm.. I—I’m sorry sa nangyare before. Sa pangbibintang ko sayo noon. Believe me, I tried to make it up to you, after ‘kong matauhan sa childishness ko. Pero wala ka na, I don’t even know kung san kayo lumipat. I’m really sorry, Slater. 

Slater: My family decided to migrate sa US after our graduation. I know you’re mad at me, kaya hindi na ko nagpaalam. But you don’t need to be sorry Tin. I understand, kung gusto mo talagang makabawi, just forget about all the bad things that happened between us in the past. Let’s start anew. (yiiieeh!) 

Slater smiled at her, and she smiled back. Marami pa silang napag-usapan, pero wala nang bumanggit ng kahit ano tungkol sa nangyari noong grad ball. They decided to start their friendship on a clean slate. Then, after nila mag-lunch bumalik na sila sa opisina. 

 ( oh hindi ko na kayo bibitinin pa! love ko kayo eh.. Chapter 7 na!!!) 

'Dearest Christine' - SlaTin fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon