Chapter 7

467 9 10
                                    

Chapter 7 

Nagising si Tin sa malakas na katok at sigaw ng kapatid niyang si Ivan. Napasulyap sya sa alarm clock sa side table nya. 8AM pa lang ng umaga. Mamaya pa sana sya gigising dahil madaling araw na sya natulog. May project syang kinailangang tapusin para sa isang client. Sabado naman kaya ok lang na tanghali na sya bumangon dahil wala syang pasok sa opisina pag weekends. 

Ano kaya ang naisipan ng bwisit nyang kapatid at sinisira nito ang pagtulog nya? Pupungas-pungas na bumangon sya at binuksan ang pinto ng kwarto nya. Kapag hindi importante ang kailangan nito ay baka masakal nya ito. Excited na mukha ni Ivan ang bumungad sa kanya. 

Tin: Bakit mo ba ‘ko ginising ha? Alam mo namang puyat ako di ba? 

(Nga pala) Sila na lang ni Ivan ang nakatira sa bahay nila sa Makati. Their parents decided na bumalik na lang sa province nila sa Baguio a year ago. May business na din kasi dun ang mga ito, an antique shop and a restaurant. Naiwan sila ni Ivan ng Manila, dahil dito ang trabaho nya at si Ivan naman ay nag-aaral ng college sa University of Asia and the Pacific. Ang sumunod sa kanya na si Markki ay naka-base na sa Australia working as an architect. (Ok na? baka kasi may magtanong. hehe..)

Ivan: Ate, may manliligaw ka! (nakangisi pa ito sa kanya.) 

Lalo siyang  nabwisit sa sinabi nito. Ginambala ng kutang lupang ito ang tulog nya dahil lang sa kung sinong Pontio Piloto? Parang gusto niyang pumatay ng tao! Feeling nya ay tumaas ang presyon nya. 

Tin: Pwede ba Ivan, lumayas-layas ka sa harap ko at baka hindi kita matantya! Ginising mo ‘ko para sa isang walang kwentang dahilan? Sabihin mo sa kung sinumang bwisita ko na bumalik na lang kapag hindi na ‘ko inaantok. Dahil kung magpipilit syang makipag-usap sa akin ngayon, lalamunin ko sya ng buo! 

Tumalikod na sya sa kapatid at bumalik sa kama nya, hindi na nya naisara ulit ang pinto dahil sa sobrang antok. 

Patulog na ulit sya nang maramdaman na may pumasok sa kwarto nya. Hindi na nya pinansin dahil alam niyang si Ivan lang yon. Nakapikit na sya at nakayakap pa sya sa kanyang BANANA pillow. (hihi) Mayamaya may naramdaman siyang kumikiliti sa kanyang tenga. Hindi na nya sana papansinin ito, pero hindi pa rin tumigil ang salarin. Naiiritang bumalikwas sya ng bangon. 

Tin: Ivan Alcantara! Mapapatay na talaga kita!!! (nakapikit pa ring sigaw niya.) 

Isang halakhak ang narinig niya, and it sure as hell was not his brother’s voice. Pagdilat nya, super shock sya nang mukha ni Slater ang bumungad sa kanya. Nakaupo ito sa gilid ng kama niya at may hawak na balahibo na ewan niya kung san nito nakuha. 

Tin: Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? 

Nanlalaki ang mga matang tanong nya kay Slater. Nawala bigla ang antok nya. 

Slater: Ginigising ka. 

Simpleng sagot nito, habang tinitingnan sya mula ulo hanggang paa at nakangisi pa.. Naalala nya bigla ang itsura nya, she’s wearing a large t-shirt na may maliit pang butas sa tagiliran at manipis na shorts. Malamang ay gulo-gulo din ang mahaba niyang buhok. Sa sobrang hiya ay nagtalukbong sya ng kumot. Ito naman kasing Slater na ‘to bigla na lang sumusugod sa bahay nila nang wala man lang pasabi. 

Slater: Alam mo kahit magbalot ka pa, hindi mo na maitatago yang itsura mo. I’m not sure if it’s a good sight. May muta ka na, tulo laway ka pa! 

Bigla niyang kinapa ang gilid ng mata nya, wala syang muta at sigurado sya na hindi tumutulo ang laway nya pag natutulog. Naiinis na tinanggal nya ang taklob na kumot. 

Tin: Hanggang ngayon talaga mapang-asar ka pa din! 

Slater: At ikaw, pikon ka pa rin. Akala ko ba lalamunin mo ‘ko ng buo? Di bay yun ang pinapasabi mo kay Ivan kanina? You can start devouring me now! 

Nang-iinis na inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Bigla niyang tinulak ito ng malakas, kaya nalaglag ito sa kama. 

Slater: Ouch!!! 

Tin: Hah! Mabuti nga sayo, yan ang napapala ng unggoy na mapang-asar! 

Slater: Joke lang Tintin! Sorry na.. Peace na tayo.. (naalala nyo yun moment na yun?hehe..)

Tin: Tseh! Sorry you face! 

Tumayo na sya sa kama. Kumuha sya ng damit sa closet at hinablot ang towel nya. Saka dumirecho na sya sa banyo. Biglang nagsalita si Slater.

Slater: Hey, may Banana pillow din ako, like this one! (while holding Tin’s pillow) 

Tin: And so? Madaming ganyan sa mundo! 

Tuloy-tuloy na syang pumasok sa banyo. With a smile on her face. Hindi niya alam pero parang masaya ang feeling nya. 

…………. 

Tapos nang maligo si Tin, nasa dining table sila ni Slater and having breakfast. 

Tin: Ano ba kasing ginagawa mo dito sa bahay ng ganito kaaga? 

Slater: Napasyal lang. And I’m going to invite you out sana.. kung gusto mo. 

Tin: Bakit ako na naman ang iniistorbo mo? Sinamahan na nga kita mamili ng gamit para sa unit mo ah! Wala ka bang ibang pwedeng istorbohin? 

Sumusobra na ang lalaking ‘to! Sa loob ng two weeks nito sa kompanya, wala na itong ginawa kundi kidnapin sya pag lunch break at harangin sya pag uwian. 

Kaya tuloy inaasar na sya ng mga kasamahan nila sa opisina. Pati si Ivan ay nang-iintriga. Sabihin bang manliligaw nya si Slater? 

Slater: Hahanapin ko pa sila. Pwede namang ikaw na lang. matagal na naman tayong magkakilala di ba? 

Tin: Alam mo humanap ka na lang ng girlfriend, para hindi ako ang iniistorbo mo. 

Nanahimik lang si Slater, kaya tumingin sya dito. 

Tin: Ano na naman? 

Tanong nya dito dahil titig na titig ito sa kanya, gaya ng madalas nitong ginagawa. Mayamaya ay napapangiti ito. 

Slater: Is that your way of asking if I’m already taken? Because, you see, I’m not. So, you don’t have to worry. Walang magagalit kung liligawan mo ‘ko! (naka-smile pa ito at nag-wink pa sa kanya!) 

Napamulagat sya sa sinabi nito. ( Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to! )

( Oh ayan ha! 2 chapters n yan.. next year na ulit ang next chapter… hehehe! Thank u! )

'Dearest Christine' - SlaTin fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon