Chapter 8

617 12 10
                                    

From Chapter 7...

Tin: Ang kapal, ha? FYI, Jan Slater Suarez, hindi kita type ‘no! may taste naman ako ng konti., 

Slater: You don’t like me, huh? Bakit? Ano ba ang type mo sa isang lalaki? 

Tin: Ang type ko ‘yong mapagmahal, sweet, & caring. Gusto ko ‘yong masarap kasama at romantic. Dapat din, kaya nya ‘kong ipagtanggol at alagaan. Syempre pa dapat responsible at financially stable. Ayoko ng masyadong gwapo dahil ayoko ng may kaagaw. Selosa ako, kaya mag-aaway kami kung lagi na lang may mga babaeng nakadikit sa kanya. That’s it. Well, basically. 

Slater: I’m all that and more! –(proud pa na sabi nito.) 

Tin: Really? Saan banda? (nakataas pa ang kilay na tanong nya.) 

Tumawa lang si Slater sa kanya. Itinuloy na nila ang pagkain.

After nila kumain ay kinulit na ulit sya ni Slater na lumabas. Hindi sya tinantanan ng kumag kaya napilitan na siyang sumama rito. Sa SM Mall of Asia sila nagpunta. Pagdating don, nagyaya ito na mag-skating. Dahil naiinitan daw ito. 

Tin: What? Ayoko! (dahil hindi sya marunong mag-skate.) 

Pero nuknukan ng kulit si Slater, kaya wala siyang nagawa nang hilahin sya nito papunta sa skating rink. Ang sama ng tingin nya dito habang sinusuotan sya nito ng skating shoes. Nginitian lang sya ni Slater, that literally made her heart restless. Nagkaka-crush na yata sya sa mga pa-cute na smile ng unggoy na ito. And to think na kasasabi nya lang kanina na hindi nya ito type. Parang gusto tuloy niyang iuntog ang ulo sa malamig na sahig ng rink. 

Slater: Come on, Tin, ang sarap mag-skate oh! (pang-iinggit nito habang umiikot lang malapit sa kanya.) 

Ang hinayupak, hindi ba nahahalata nito na hindi sya marunong? Unang tapak pa nga lang nya sa yelo ay bumagsak na sya. Kumakapit na nga lang siya sa gilid para gumabay. 

Sinubukan niyang puntahan si Slater sa gitna ng ice rink. Unti-unti siyang naglakad palapit dito. Sa malas, natumba ulit sya, bago pa sya nakalapit dito. At sa halip na tulungan sya ng kumag, tinawanan pa sya nito. Tumayo ulit sya at naglakad palapit kay Slater, hinihintay naman sya nito na makalapit. Dalawang hakbang na lang mula kay Slater, nadulas na naman sya. Bago sya bumagsak sa sahig ay nahawakan na sya ni Slater sa bewang. (yiiiehh.. kamusta naman, kinikilig ako while typing!  moving on.. )  Dahil madulas nga, bumagsak sila sa sahig, and lucky Tin, hindi sya sa sahig nag-landing kundi kay Slater. Nakapatong ang buong katawan niya dito. 

When their eyes met, parang tumigil ang pag-ikot ng earth.. Feeling niya ay na-magnet ang mga mata niya kay Slater. 

What the hell is wrong with me? –tanong ni Tin sa sarili. 

Biglang- bigla ay nagbago ang tingin niya sa lalaking kung tutuusin ay matagal ng part eng buhay nya. Kung anu-ano ng napapansin nya ngayon dito, na dati ay wala siyang pakialam.

Bumalik sa normal ang isip niya nang marinig ang kantiyaw ng mga taong malapit sa kanila. She blushed. Bigla-bigla siyang tumayo, at dahil nga madulas at nataranta, na-out of balance na naman sya at bumagsak ulit kay Slater. 

Tin: Kapag minamalas ka naman talaga, oo! 

Slater: Hindi ko akalaing kasama pala sa maraming kapintasan mo ang pagiging lampa. (natatawang sabi nito habang bumabangon at inaalalayan sya makaupo.) 

Sigurado sya kung nakikita nya lang ang sarili nya ngayon ay kulay makopa na ang mukha niya. Kasi naman, bukod sa pang-aasar ni Slater, nanunukso pa ang mga taong nakapaligid sa kanila. (Great, sobrang damage na ang napala ng pride niya ngayong araw.) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Dearest Christine' - SlaTin fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon