Sa University…
“Goodmorning Bugan!” malakas na bati ng isang boses na kilalang-kilala ni Tin.
Hindi na nya kailangan lingunin kung sino ito, dahil isang tao lang naman ang tumatawag sa kanya ng ganon. Walang iba kundi si Slater, ang unggoy na bestfriend ng pinakamamahal niyang si Carlo.
Yun ang tawag nito sa kanya dahil kamukha nya raw ang halimaw sa banga na si Bugan sa fantaseryeng Super Inggo (played by Ai-Ai delas Alas). Tama bang i-compare sya nito sa isang halimaw? Infairness to Slater, pareho talaga ang hairstyle nila ni Bugan, mahaba at palaging magulo, pero maliban don, wla na silang similarity nito. Oo nga at maputi sya, pero hindi naman sobra gaya nito. Shape pa lang ng mukha magkalayong-magkalayo na . Bilugan ang mukha nya at pahaba naman ang kay Bugan.. Naiiritang humarap sya ky Slater para sermunan ito.
“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na---“ Natigil ang lahat ng sasabihin nya ng masulyapan si likuran nito na papalapit si Carlo. Bumilis ang tibok ng puso nya.
Si Carlo Torres, ang first love nya. 2nd year sya sa kursong Computer Science ng maging classmate nya ito sa ilang subjects. Shiftee ito kaya hindi nya madalas makita noon. Pero simula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang reaction nya sa tuwing makakaharap nya ito; ang mapatanga at mag-palpitate ng sobrang bilis ang puso nya.
Paanong hindi? Ito na yata ang pinaka-gwapong nilalang na nakita nya. Classic example ng tall, dark and handsome. Nakakaturete talaga ang kagwapuhan nito, idagdag pa ang cute smile nito. Tuloy ay dead na dead sya dito.
“As usual, speechless na naman ang halimaw sa banga sa kagwapuhan ko!” pang-aasar ni Slater habang nakangiti.
Saka nya lang ulit ito naalala..
“In your dreams mister!” inis na sabi nya.
Napakayabang talaga ng kumag na ‘to! Hindi sya talaga pikon, as a matter of fact, isa sya sa mga taong may pinakamahabang pasensya. Pero pagdating sa unggoy na si Slater, nauubos talaga ang isang dram na pagpipigil na baon nya araw-araw.
“Kabwisit talaga ‘tong unggoy na ‘to! Lagi nalang ako pinapahiya sa harap ng loves ko!” sa isip ni Tin.
Si Jan Slater Valderama, ang President ng Student Council, where in sya ang Secretary, si Carlo ang Vice-Pres. at ang BFF nyang si Wendy ang Treasurer.
Computer Engineering ang course ni Slater at dahil iisa ang College Dept. nila, lagi nya itong nakikita. Idagdag pa ang activities ng Student Council. Nagiging classmate nya rin ito sa ilang subjects. Kahit ahead ito ng 1 year sa kanya. In short, matagal tagal na nyang tinitiis ang nakakairitang lalaki.
For her masama ang ugali nito. Nagtataka naman sya dahil marami ang nagsasabi na mabait naman ito. Paano nangyari yun? Nuknukan ito ng pagka-alaskador. At sya pa ang napag-tripang gawing ‘object of mockery’.
“Yan na naman kayong dalawa, when will the two of you ever stop? Nakangiting saway ni Carlo. Sanay na ang karamihan sa kakilala nila sa asaran nila ni Slater. Bukod ky Carlo, ay si Wendy lagi ang taga-saway nila.
Sa totoo lang, nagsasawa na sya, dahil wala yatang oras na magkasama sila ng damuhang unggoy na hindi sya inaaway nito. Hindi na nya alam kung pano magtitimpi, baka isang araw ay sumabog na lang syang parang bulkan.
“Yung Grad Ball natin next week, ayos na ba ang mga preparations?” Carlo ask her.
“Not yet, pero malapit na! don’t worry, by tomorrow or the next day ok na.” proud na sagot nya ky Carlo.
Halos solo nyang tinatapos ang arrangements para sa Ball, dahil pinakiusapan sya ni Carlo. Ito kasi ang group leader para sa activity na yon, pero dahil gusto nyang ma-impress ito, ayun at inako nya ang buong preparations. Busy kasi ito sa chorale, bukod kasi sa gwapo ito ay maganda din ang boses nito.
