WSP #1

4 1 0
                                    


Mahal, naaalala mo pa ba yung unang araw nang tayo'y nagkakilala

Naaalala mo pa ba yung unang araw na ako'y iyong kinamusta

Yung araw na walang kasiguraduhan kung tayo'y seryoso ba

Yung araw na tayo'y padalos dalos paKasi ako mahal, alalang alala ko pa

Na tila ay parang kahapon lamang nang tayo'y nagkakilala

At ako'y mapapangiti na lamang sa tuwing aking maalala 

Ang araw na tayo ay unang nagkakilala

Mahal, asahan mong kamay mo'y aking hahawakan

Sa ating paglalakbay patungo sa dulo ng walang hanggan

Asahan mong ikaw ay aking pang iingatan

At hinding hindi bibitawan

Wala akong maisip na dahilanUpang ikaw ay aking iwan

Mahal, sana ako'y iyong pagpasensyahan

Kung minsan hindi ko maiwasan na ikaw ay masaktan

Nais kong itatak mo sa isip at puso mo

Na ikaw ay mahal na mahal ko

Mahal na mahal kita higit pa sa sarili ko

Handa akong isakripisyo ang buhay ko para lamang sayo, mahal ko

Sa lahat ng pangako ko sayo

Asahan mong ang pangakong hindi ko pag iwan sayo, ay ang pangakong hindi mapapako

Maaaring walang kasiguraduhan pa

Kung tayo nga ba talaga ang itinadhana

Pero sisiguraduhin ko

Na ikaw at ako, tayo na hanggang dulo

Written Spoken PoetryWhere stories live. Discover now