Yung dating ako, halos baliw na baliw sa'yo;
Yung dating ako, handang maghintay mapa-oras, minuto o segundo;
Yung dating ako, simpleng ngiti mo lang, nabibighani mo ang damdamin;
Yung dating ako, nagpakamartyr, umaasang ika'y mapapasaakin;
Yung dating ako, mahal na mahal ka ng sobra;
dating ako, todo chat sa'yo kahit ang reply mo'y nakakawalang gana;
Yung dating ako, piniling manatili sa tabi mo kahit siya ang nasa isip mo;
Yung dating ako, takot na mawala ka sa piling ko;
Yung dating ako, pursigidong habulin ka;
Yung dating ako, walang ginawa kundi damayan ka kapag sinasaktan niya;
Yung dating ako, hindi naisip isuko ang pagmamahal sa'yo, sinta;
At yung dating ako, kahit na sinasaktan mo, lubusan parin kung mahalin ka;
Kaya kahit anong gawin mong ibalik yung dating ako;
Hindi mo na magagawa kasi sinayang mo yung pagmamahal ko na para lang sa'yo
YOU ARE READING
Written Spoken Poetry
ŞiirEveryday written spoken poetry and poetry want to read? just continue reading if you want. Poetry is a literary work in which special intensity is given to the expression of feelings and ideas by the use of distinctive style and rhythm; poems coll...