Salamat kasi nakilala kita.
Salamat kasi minsan nakasama kita.
Sa kulitan, saya at maging sa kalungkutan.
Salamat dahil sa loob ng ilang buwan , ako'y iyong sinamahan.
Salamat kasi natuto akoNatuto akong magmahal.
Nagkaroon ako ng inspirasyon sa aking pag-aaral
Na sa bawat pagpasok ko sa paaralan ,
Araw-araw , oras-oras , minu-minuto kang inaabangan.
Salamat dahil kundi dahil sayo , di ako matututo.
Magmahal ng totoo , kasi alam mo ?
Ikaw kasi yung taong minahal ko ng todo kaso binalewala mo.
Hanggang sa napagod ako.
Napagod sa kakamahal sayo.
Kaya eto , namahal ulit ako.
Pero hindi sa tulad mo.
Minahal niya kasi ako ng buo at totoo.
Minahal ako ng taong di ako kayang paiyakin.
Nang taong , walang ibang ginawa kundi ako'y pakiligin.
Kaya salamat sa pansamantalang pakilig mo.
Salamat sa mga nakakaadik mong mga lambing.
Salamat sa lahat.
Sa lahat ng mga masasayang alaala.
Kaya didiretsuhin ko nalang.Mahal kita, mahal.
Mahal kita pero siguro tama na.
Titigil nako sa pagpapakatanga.
Pagiging tanga sa pagmamahal ng taong minahal ko.
Pero minahal niya'y iba.Kaya mahal ?
Tama na, ayoko na.
Oo minahal kita noon pero pasensya na.
Hindi na ngayon.
YOU ARE READING
Written Spoken Poetry
PoesíaEveryday written spoken poetry and poetry want to read? just continue reading if you want. Poetry is a literary work in which special intensity is given to the expression of feelings and ideas by the use of distinctive style and rhythm; poems coll...