WSP #2

7 1 0
                                    


  Una sa lahat, gusto kong sumulat. 

Sumulat ng isang istorya, istorya nating dalawa. 

Sabi mo kasi sa akin na ako ang mahal mo. 

Naniwala naman ako. 

Dahil mahal din naman kita. 

Simula palang ng una mahal na kita. 

Simula nung nakita kita. 

Nakita kita sa aking mga mata. 

Mataas kasi pangarap ko. 

Na makabilang ako sa mga pangarap mo. 

Mahal mo ba talaga ako? 

Kasi mahal na mahal kita. 

Kitang kita naman kung gaano kita kamahal. 

Dahil kapag ako nagmahal hindi naman basta puro kilig lang. 

Ito ay totoo at seryoso, na nagmumula pa sa aking isipan at puso. 

Ayaw ko na ako ay magkulang, sa ating pagmamahalan. 

Baka kasi kapag nangyari yun, bigla mo nalang akong iwan. 

Kapag kasi ikaw ay natauhan sa isang katotohan na malaking kasinungalingan. 

Na hindi mo naman talaga ako mahal, at ako ay niloloko mo lang. 

Ang hirap pala kapag nalaman ko yon, dahil ako ay pinaglaruan mo lang. 

Ginawa mo lang akong libangan. 

Sa mga panahong ako ay nasisiyahan. 

Habang ako ay seryoso at nagpapakatotoo sa taong mahal ko. 

Ganun lang pala ang lahat ng iyon. 

Minahal mo ako upang ika'y may mapaglaruan. 

Nagkamali ka yata ng iyong pinaglaruan. 

Bakit ako ang naisipan mong paglaruan? 

Ang dami namang iba dyan. 

Bakit ako pa? 

Ako itong nagmahal sayo ng tunay. 

Pagmamahal na pang habang buhay. 

Tapos ikaw ginanyan mo ako. 

Parang wala lang sayo. 

Ito namang si ako ay naniwala agad sayo, sa mga sinabi mo. 

Sabi mo kasi mahal mo ako. 

Kaya agad akong nagtiwala sayo. 

Kasi nga mahal kita ng labis. 

At ikaw ang aking nais. 

Nais makasama sa habang buhay nating pagsasama. 

Pero ikaw naman, ako ay iyong naisahan. 

Dahil ako ay naniwala agad. 

Yun pala baliktad. 

Akala ko talaga mahal mo ako. 

Ayun pala ito ay isang kasinungalingan. 

Kaya mo pala ako ginanito, ginanyan, upang may paglaruan. 

Dapat pala sinabi mo agad na gusto mong maglaro. 

Para naman hindi na ako nagkaganito. 

Ang sakit kasi ng ginawa mo. 

Pagkatapos kitang mahalin na higit pa sa sarili ko, iiwan mo nalang ako. 

Napakasakit ng nagawa mo. 

Dahil sinaktan mo lang ako. 

Buong buhay ko inalay ko na sayo, tapos ganyan lang gagawin mo. 

Nagisip ka muna ba kung bakit mo ginawa sa akin ito? 

Napakatanga ko kasi hindi ko man lang naisip na mangyayari pala ito. 

Kung sayo kaya ginawa to. 

Ano kaya ang masasabi mo? 

Sa palagay ko hindi mo na ito magagawa. 

Dahil meron ka pa sigurong natitirang awa. 

Awa sa sarili mo. 

Awa pala sa taong sinaktan mo. 

Bakit, bakit mo ito nagawa sa sarili mo? 

Hindi ka ba nagiisip? 

Kung ginawa sayo to, ano kaya yung masasabi mo. 

Pero may sasabihin pala ako sayo. 

Sana naman matauhan ka na sa ginawa mo.  

Written Spoken PoetryWhere stories live. Discover now