Ngayon habang nagpunta sa bahay,
Kasama ang aking mga kaibigan, nararamdaman ko ang pag-iisa,
Sa tuwing naiisip ka nakakadama ako ng ginhawa
Pero mahal mo siya, at ako'y minamahal ka.
Ang sakit ng aking nadarama na parang gusto kung umiyak ng sobra,
Ngunit sa halip ng mga luha ang inyong makita,
Isang ngiti na lamang ang aking ibibigay upang matakpan ang sakit na nadarama.
Ayokong inyong makita, ako'y manghihinasapagkat kapag inilabas ko ang bugso ang aking nadarama ako'y mapapasa pa.
"Ito ay isang maliit na paghanga," 'yan ang sabi ko,
Ngunit sa araw-araw na nakikita kita iba ang aking nadarama,
Na kahit kanino ako tumingin ibaling man sa iba ang pagtingin sayo padin nakatuon ang aking paningin,
Ngunit aking napansin na sa tuwing kayo'y magkasama biglang napapaluha ang aking kabilang mata.
Alam kong ito ay mali talagang mali, ngunit kapag nakikipag-usap ka sa akinNakakaramdam ako ng sigla at saya
Ngunit hindi maaari at mali na mahalin ako
Dahil siya ang mahal mo at hindi akoIkaw ay isang pantasiya lamang
At hindi mo ako mahal sa katotohanan
Alam ko na balang araw ay magiging alaala ka lang,
Na matandaan ko kapag ako ay nag-iisa
Alam kung may ibang araw pa, hindi ngayon,
Ngunit nais ko na mapapansin mo pa rin,
Na ang aking puso ay nawawasak nadin
At kahit na ako ay nakangiting
Tingnan mo lang sa aking mga mata
Makikita mo ang tunay at totoong sakit na iyong pinadama.
YOU ARE READING
Written Spoken Poetry
PoetryEveryday written spoken poetry and poetry want to read? just continue reading if you want. Poetry is a literary work in which special intensity is given to the expression of feelings and ideas by the use of distinctive style and rhythm; poems coll...