Tulad ng ibang storyang
Nagsisimula sa Pagpapakilala'
Ako nga pala ang Nagpinta ng iyong Labi
Ako ang lumikhan ng Kahulugan ng iyong mga ngiti
Ako ang bumuo ng Tulay sa pagitan ng Lungkot tungong ligaya,
Ako na Nagpinta,lumikha at bumuo
Sa Mundong Humahadlang sating Dalawa
Makinig ka mahal,
Hindi mo pa ko kilala pero Minahal na kita,
Mahal,mahal kita kahit araw araw kitang binabantayan,
Pero di mo dama.
Dahil mahal, Gusto ko makilala mo koAko nga pala Ang Buhay.
Ako ang Buhay.
Maaaring di mo mabanggit,
Gamit ang aking ipinintang Labi sa nilikha kong mundo.
Di dahil sa Kaba o sa di mo kaya.
Kundi Dahil hindi mo pa alam ang kadahilanan,
Sa dami ng lungkot,pighati at sa Paulit ulit mong pag ka durog.
Napatuloy mong hibahanap ang kasagutang .
Mahal ba talaga kita,kung pati mundo tinalikuran kana?
Mahal,may maganda akong balita.
Oo, ako ang bumuo ng Tulay kaya ka may Lungkot ,
pero mahal Ako ang hangganan ng Tulay tungo sa ligayaMahal,
Di ako mag sasawang ibalik Ka mula sa pag ka durog
Ng mga libo libong tao na ako mismo ang nag sugo,
Di para saktan ka ,kundi para mapasakin ka.
Ako ung makikinig sayo kahit Takpan mo pa ang iyong labi,
Dahil ako din ang may alam ng pintig ng puso mo.
Mahal.Ipikit mo ang iyong Mata,
Masdan mo ang buhay nang wala ako.
Dahil mahal Ako ang Liwanag na Lumikha sayo.
Di ako tulad ng ibang bida sa storyang laging duguan.
Dahil Ako ang bidang kayang ialay ang sariling buhay,para sayo,
Dahil mahal.Hindi lahat ng sugatan ay lumaban sa gera para sayo,
Dahil ang iba ay nilabanan ko para malayo ka sa gulo.
Kasi ganun ka kahalaga Mahal kita.
At sa kalagitnaan ng storya,kung saan ako pa din ang bida.
Nais ko lang marinig mula sa Pininta kong labi
Ang salitang mahal mo din akoat maging kahulan ng mga ngiti mo
Ay kapayapan aking handog '
Ako na lumikha at nag bigay ng buhay ay siyang dapat mag may
Ari ng puso mo'Mahal,nais ko tawidin mo ang tulay
Patungo sa walang hanggang Kaligayahan
Dahil hindi eto tulad ng ibang storyang may masayang katapusan..
Sapagkat ang Tunay kong Pag-ibig ay walang wakas.
YOU ARE READING
Written Spoken Poetry
ŞiirEveryday written spoken poetry and poetry want to read? just continue reading if you want. Poetry is a literary work in which special intensity is given to the expression of feelings and ideas by the use of distinctive style and rhythm; poems coll...