Chapter 16

6 0 0
                                    

Panay ang irap ng Mia na yun saakin dahil nga nakita kami ng lahat na ganun ang posisyon. Inakala nilang maghahalikan na kami. Panay ang kantyaw nila saamin ng mga kabanda nya at ang mga kabanda ko din.

At ngayon nagpapahinga na kami sa kanya kanya naming kwarto. Mamayang gabi may jamming sessions kami sa iba't ibang banda.

Naka loose shirt ako ngayon na kulay skyblue. At pinarisan ko ng leggings ayoko namang mag shorts ang lamig lamig kaya.

Bigla namang nag text si Crius na kailangan ko ng bumaba dahil nasa baba na silang lahat. Its already seven na naman din kasi.

Panay ang text ng tatlo kong kapatid kaya busy ako sa pag ta type. Ng nakababa na ako. Ang daming tao mukhang mga nasa iba't ibang banda to.

Ng nahanap ko na sila Kuya Vito kasama ang mga kabanda ni Lucas at including sya don kasama parin ang mga anak ng hipon. Na ang se sexy pa talaga ha! Di ba sila giniginaw.

"Andito na pala bokalista natin eh" Inirapan ko lang si Crius. Naupo ako sa tabi ni Crius at Amiel bali nasa gitna nila ako. Habang kaharap ko naman si Lucas at si Seventh yung chinito at yung moreno na si Hilum si Barion at si Quino.

Panay ang hagikhikan at bulungan ng mga babaeng kasama nila Crius na nag ngangalang sina Mia, Tin, Kylyn, at Zaira.

Tumitingin sila saakin head to foot tapos tatawa na naman sila. Anong problema nila sa soot ko?

"Dria right?" Tanong ni Kylyn saakin na Ikinatango ko lang.

"May I ahm you know" nagsalita ka pa talagang Mia ka!

"What? What do you want to ask?" Diretsong english na sagot ko sa kanya. Naagaw na ang atensyon ni Crius at Amiel sa akin. Umayos kasi ako ng upo.

"You know- you are you know" natawa nalang tuloy ako kay Mia you know ng you know. Napalakas pa yata ang tawa ko. Na ikinabaling ng lahat na nasa table namin.

"What? You always say you know. If you can't speak in english directly don't worry you can speak in tagalog " natatawang sabi ko na ikinatawa ni Quino at Barion.

Napa ayos sya ng upo lalo't nasa kanya na ang boung atensyon. May binulong sa kanya si Zaira.

"Is that your outfit for tonight?" Tanong ni Mia na ikinatawa ko ng mahina. "Why? What about my outfit? Do I need to wear those clothes  like yours? No need"

"Why not?" Natatawang tanong ni Tin saakin. "I prefer to wear these" i give her a smirk.

"Malaking T shirt at leggings? Nasa bahay ka ba?" Pangungutya ni Mia sa soot ko.  

Tinaasan ko sya ng kilay. " Whats wrong with malaking T shirt and leggings Mia?" Natatawang sagot ko. "I don't need  to wear those clothes that you are wearing you know why? Because even though I wear this I am sexy and I don't need to reveal some private parts of my body so that boys will like me. Boys wants a girl that is worth for their RESPECT AND LOVE not just PURE NEEDS AND LUST!" I give them a very wide smile. Nakanganga pa talaga ang sila. "Should I translate it in Tagalog?" Napa inom ng tubig si Kylyn.

Pagtatagpong Muli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon