Chapter 18

5 0 0
                                    

Pag uwi namin natulog na kaagad ako. Nagising ako bandang 8 na ng gabi kailangan kasi naming mag practice ngayon.

Kaya lumabas na ako dahil andon daw sila sa garden ng hotel don sila pumwesto para sa practice namin.

"Thanks God! Gumising ka na! Kanina ka pa namin hinihintay" Ang oa talaga nitong si Crius.

"Ito ang kantang kakantahin mo Dria" binigay ni kuya Vito sakin ang notebook nya na may lamang maraming kanta ngunit yung binilugan nya ang kakantahin ko.

"Alam mo na ba ang kanta na yan?" Tanong ni Kuya Vito sa akin. "Yeah"
"Halata naman na alam nya yan Kuya Vito can you still remember nong nanood tayo ng concert ni Bamboo panay ang hiyaw at tili ni Dria kaya don ko na confirm na half sya" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Crius.

"Anong half ang pinagsasabi mo dyan Crius" nalilitong sabi ni Amiel. Ano bang half ang pinagsasabi nya?

"Half girl, Half boy" tawang tawa pa sya sa sinabi nya. Di na nga nya napansin na nasa tabi na nya ako. 

"Paki ulit nga Crius" napa igtad sya at napa atras atras hanggang sa nabunggo sya sa isang bulto ng tao.

"Lucassss" agad syang nagtago sa likod nito.

"Takot ka naman pala eh" natatawang sabi ni Amiel. Habang si Crius ay nasa likuran pa ni Lucas.

Napa iling nalang ako sa inakto ni Crius.

"Guys practice na tayo since alam na naman ni Dria ang kanta" paalam ni kuya Vito saamin. Natawa lang ako ng biglang tumakbo si Crius papunta sa pwesto namin.

Napatingin ako kay Lucas ngumiti sya sakin at tinuro ang pwesto nila na nasa kabilang side. Tumango ako sa kanya at ngumiti na rin.

Pumunta na ako sa banda namin at sinimulan na kaagad ni Kuya Vito. Iniba din ni Kuya Vito ang areglo ng kanta.

Panay lang ang tawanan namin dahil minsan natataranta si Crius.

"Nakatingin pala satin sina Lucas" napalingon kaming lahat sa banda ni Lucas dahil sa sinabi ni Amiel. Nakatingin lang pala sila saamin.

Ngumiti lang sila. Napatingin ako kay Lucas na nakatingin samin. "Dria practice muna kami sa part ni Crius" si Kuya Vito na na halatang problemado na kay Crius.

"Sige kuya" kaya umalis ako sa pwesto namin at umupo nalang sa may bench. Kinuha ko ang cellphone  at ang earphones ko. Ng biglang may nag pop up na text.

'tapos na kayo?'

At galing ito kay Lucas. Napatingin ako kung saan sila ng mga ka banda nya naka upo. Nagtatawanan sila mukhang di naman sila nag e ensayo ah!

'di pa. eh kayo?' sagot ko sa text nya.

'alam na namin ang kakantahin namin'

'ahhh' reply ko sa kanya.

'pahinga ka nalang don' napalingon ako kung saan sya at mukha na akong matakasan ng dugo ng nakita ko syang nakatingin sakin.

Mag ta type na sana ako ng e re reply sa kanya ng tinawag ako ni Kuya Vito.

"Dria. Pwede ka ng di mag practice alam mo na naman ang areglo ng kanta" tumango lang ako kay Kuya Vito at agad na umalis dahil pagod parin ang paa ko.

Pagtatagpong Muli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon