Chapter 17

3 0 0
                                    

4:30 pa ng umaga gising na ako. Gusto ko sanang maglakad lakad ngayon. Kaya dali dali akong naligo at nagbihis. Masyado pang madilim at mukhang tulog pa ang mga kasama ko.

Nabigla ako ng bumukas ang pinto sa kabilang kwarto. Lumabas si Lucas doon bagong ligo din yata.

Nagkatinginan kaming dalawa. Ako na ang naunang umiwas dahil masyadong mapanuri ang mga mata nya. "Where are you going?" Lumakad sya pa lapit sakin.

"Maglalakad lakad lang sana" pumasok na ako sa elevator at ganon din sya.

"Kumain ka na?" Tanong nya saakin

"Gusto ko sanang kumain sa isang cafe dito mukhang nasa gilid lang ng hotel" akala ko we will part ways na kaso nasa likuran ko lang sya.

So I stop walking and face him. " San ka nga pala pupunta?" Nabigla na naman ako ng hawakan nya ang kamay ko. "Kung san ka din pupunta " before I could react hinila na nya ako palabas.

Sya pa nga ang umorder ng kakainin ko. Tahimik lang kaming kumakain. Sayang naman kung di ako mag se selfie dito noh! So Kinuha ko ang cellphone ko.

"Hey! Lucas" napatingin sya sakin. Naka set na ang camera ko. "Smile" natawa ako sa mukha nya. Ang seryoso nya kasi don. Ngayon ko lang din napansin na may dala pala syang camera.

Pagkatapos naming kumain. Naglakad lakad na kami sa isang tahimik at malamig na kalsada.

Ganon parin hawak nya ang kamay ko not literally na hawak lang we locked  each others fingers.

Tahimik lang kaming dalawa na nagmamasid sa daan. May mga bundok at unti unti naring nagpapakita ang araw.

"Are you free today?" Napalingon ako kay Lucas. "Ahm yeah why?" He just nodded. "First time mo ba dito sa Baguio?" Tanong nya ulit.

"Nope favorite place to ni Mama eh! Kaso di naman ako lumalabas o pumapasyal everytime na pumupunta kami rito"

"Let's go to La Presa" aya nya sakin. "Kaso wala nga tayong mga baon--"

"Its okay come on lets go there" sya pa talaga yata ang excited sa aming dalawa ah!



















No choice lumakad kami na tanging dala ko lang ay ang phone ko. Wala akong pera ni piso na dala. Habang sya dala lang nya ang camera nya ewan ko kung may iba pa ba syang dala.

And we're here in La Presa!!! Panay ang kuha nya ng mga litrato sakin. Minsan nga sinasaway ko sya. Pumunta kami sa strawberry farm. Bumili din kami ng strawberry don. At strawberry jam.

After La Presa pumunta kami sa sikat na Park sa Baguio. Nanghiram pa kami ng bisekleta. Panay lang ang tawa ko dahil di pa pala sya marunong mag bisekleta

"Bakla ka ba?" Natatawang tanong ko sa kanya. Napatigil lang ako sa pagtawa dahil sa paninitig nya na animoy may kasalanan ka.

"Sa tingin mo bakla ako?" Natawa lang ako sa kanya. "Ano ka ba! Bike lang di mo alam!" Natatawa kong sabi sa kanya. Nagulat nalang ako ng huminto sya dala ang bike at pinark niya ito.

Ako naman dali dali kong binitawan ang bike dahil alam kong hahabulin nya ako. Panay ang tawa ko habang naghahabulan kaming dalawa.

"Tama na Lucas please!!!!" Pa no ba naman kasi kumuha sya ng isang buhay na sisiw. That's my weakness.

"Sabi mo diba bakla ako" nakangisi pa sya . Naiiyak na talaga ako. "Lucas naman eh!" Natawa lang ang mga tao sa amin. Para kaming bata dito.

"Lucaaaasssssss!!!!!" Napasigaw talaga ako ng napakalakas dahil na corner na nya ako at papalapit na sakin ang sisiw na dala nya. Tumulo na ang luha ko nanginginig na ang buong katawan ko.

Binigay nya ulit sa bata ang sisiw at pinuntahan ako kung saan ako nakatayo. Nanginginig pa rin ako habang nakatulo ang mga luha ko. Habang sya tawang tawa lang!

"Hahaha hey" hinawakan nya ang balikat ko. "Wag kang lumapit sakin" para nga akong batang umiiyak dito.

"Sorry na" natatawa pa din sya.

"Kuya! Kuya! Lambingin mo si ate ganda!" Sabi nong bata na may dalang sisiw. Pinipigilan ko lang mapatili.

"Bigyan mo ko ng sisiw ibibigay ko sa ate mo" natatawang sabi nya sa bata. "Ang salba salbahi mo Lucas! " Panay ang iyak ko dahil nga takot na takot talaga ako.

"Sorry na" sinubuan pa talaga nya ako ng strawberry. Panay naman ang "aaaaaaayyyyyiiiieeeeee" ng mga tao kaya kinain ko nalang ang sinubo nyang strawberry baka mapagsabihan pa tayong oa eh!

Niyakap nya naman ako di parin ako tumitigil sa pag iyak. "Nahihiya na po ang baby ko ang dami nyo na kasing nakatingin" kinurot ko naman sya sa tagiliran. Habang ang mga tao kilig na kilig.

Grabi ang pawis ko kaka takbo kanina. Basa na ang T shirt na soot ko. "I'll be back" tumango lang ako sa kanya.

Nawalan na ako ng mood mamasyal dahil sa sisiw na yun!

Ilang minuto syang di bumalik. Asan na kaya yun! Mag ga gabi na.

Nagulat ako ng may nagbigay sa aking bata nang isang bulaklak na kulay dilaw.

At may nakalagay pa talagang sorry.

"Ate patawarin muna si kuya ha! Kanina pa yun naghahanap ng maibibigay sayo eh" ngumiti lang ako sa bata.

Nong umalis na ang bata ako na naman mag isa dito sa bench.

Nakangiti pa talaga sya habang palapit sakin inirapan ko lang sya.

"Wag ka ng magalit dyan" pahayag nya. Binigyan nya ako ng tubig. Uhaw na uhaw na talaga ako kakatakbo kanina.

Nabigla ako nang may dumamping panyo sa leeg ko. Napalingon ako kay Lucas na pinupunasan na nya ngayon ang noo ko.

My heart melt.


"Lets take a rest before we go back to the hotel" tumango lang ako sa kanya. Pagod na talaga ako. Lalo na ang paa ko.

Nilagay nya ang ulo ko sa balikat nya. Hinawakan na naman nya ang kamay ko. Di na ako umangal pa.

"Masaya kaba sa pamamasyal natin?" Tanong nya saakin. Pinaglalaruan nya ngayon  ang mga kamay naming magkahawak.

"Yeah. Kahit na tinakot mo ko sa sisiw" natawa pa talaga sya ha!


We stayed na ganon ang posisyon namin. We act like couples kahit na hindi.


I don't want this day to end. I want this. I want like this.

Pagtatagpong Muli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon