Chapter 24

3 0 0
                                    

Nasa dalampasigan parin kami ngayon at inaabangan ang sunset. Nakahilig ako sa kanya ngayon.

Nakadamit na sya ngayon ako naman naka backless na dress na kulay puti.

"God knows how much I love you" napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

Niyakap ko lang sya ng mahigpit. "Mahal na mahal din kita" tiningala ko sya at hinalikan nya ako. Napangiti nalang ako ng biglaan. Wala na akong ibang hihilingin pa kuntento na ako sa kanya.































Dumating na nga ang araw ng kaarawan ni Lucas. Pinakilala nya ako sa mga relatives nya. Andito na lahat ng mga kaibigan namin.

Sa likuran ng bahay nila may hinanda ako para sa kanya. At salamat sa mga kaibigan ko at tinulungan nila akong mag prepare.

Pagkatapos pa ng party bago ko sya surpresahin.

Iilang kantahan at kasiyahan ang ginawa sa party nya. Nagbigayan ng mga regalo. Pagkatapos non sayawan at inuman nalang ang naganap.

"Love" bulong ko sa kanya. "Yes love?" Sagot nya sakin habang nakatingin kay Hunt na sumasayaw na parang loko loko.

"Ibibigay ko na ang gift ko" napatingin naman sya bigla saakin.

"May gift ka pala" sarcastic nyang sabi. Nahalata ko na nga kanina na nagtatampo sya pano ba naman kasi nagulat sya nong ako nalang ang hindi nagbigay sa kanya ng gift.

"Oo naman. Ako pa!" Natawa nalang sya sakin. Hinila ko sya patayo. "Guys! Alis muna kami" paalam ko sa mga kaibigan ko na tawang tawa kay Hunt.










Pumunta kami sa likuran nila. Madilim ang part na ito dahil sinadya ko nga para sa surprise ko sa kanya.

"What are we doing here babe?" Tanong nya saakin. Nong nasa masyadong madilim na part na kami Hinalikan ko sya bigla sa pisngi. At iniwan sya doon.

Agad na umilaw ang nasa gilid nya. Lalakad na sana sya ng ma apakan nya ang telang may mga sulat.

Mahaba ito.

Nakita ko pa kung paano nya pinunasan ang luha nya.

Panay ang linga nya sa gilid mukhang hinahanap nya ako ngunit panay ang tago ko upang di nya ako makita.

Hanggang sa malapit na nga sya saakin. Panay ang pahid nya sa luha nya habang palapit saakin at binabasa lang ang nasa mahabang tela.

Di lang ako ang nag message sa kanya doon kundi pati ang mommy nya ang daddy nya ang mga kaibigan nya dito sa Cebu at ang mga kaibigan din namin.

At ngayon ang message ko na ang binabasa nya. Ako ang pangalawang may pinakamahabang message sa kanya.

Akala ko di sya iiyak.


Natawa lang ako sa kanya. Dahil tinitignan nya ako tapos magpupunas na naman sya sa luhang umaagos sa mukha nya.

Pagtatagpong Muli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon