ABI POV.
"Abi, gising na maglulunch na tayo may pupuntahan tayo mamaya" dinig kong sabi ni mommy
"Mmm" ungol ko at dahan dahang dinilat ang mga mata ko
"Bumangon ka na, mamamasyal tayo mamaya, abi" sabi ni mommy
"Saan po tayo mamamasyal mommy?" takang tanong ko
"Ahh" napapaisip na sabi niya "Kung saan mo gusto baby" dagdag na sabi niya kaya naman nginitian ko siya at ginantian naman niya ako ng ngiti
"Mmm kaya love na love kita mommy eh"
"Mmm" tatango tangong sabi niya "Basta ikaw, baby"
"Yiee! I love you mom"
"I love you too anak" sabi niya
'Hmm, saan naman kaya ang magandang pasyalan dito' sabi ko sa isip ko
"Ahh mom sino po ang kasama natin?" tanong ko
"Kasama natin sina daddy at kuya andrei mo" sagot niya
"Ahh i see" tatango tangong sabi ko
Pagkabangon ko ay agad namang lumabas si mommy at agad akong pumasok sa comfort room para maligo
Pagkababa ko ay agad akong dumeretso sa dining area at nakita ko sina mom, dad, at kuya
"Hello mom, dad, kuya" bati ko sa kaniya at agad naman silang tumango sa akin "Bakit hindi pa po kayo kumain?" tanong ko
"Hinihintay ka namin anak" sabi ni dad
"Ahh, i see thanks for waiting" sabi ko at agad na umupo sa upuan
Agad naman kaming kumain at hindi nagkibuan
Maya maya pa ay binasag ni mommy ang katahimikan
"Abi saan mo gustong pumunta?" tanong ni mommy at agad naman akong napaisip
'Wala akong alam na magandang pasyalan dito sa California, tss anong isasagot ko ngayon!'
"Kung saan magandang pasyalan nalang mom" sagot ko at napatango naman si mom
Agad naman kaming natapos kumain at agad kinuha ng mga maids ang pinagkainan namin
Nakita ko sina mom at dad na paakyat kaya naman nilapitan ko si kuya drei na abala sa panonood ng television
"Abalang abala ka sa pinapanood mo kuya a"
"Ah, hindi naman" sabi niya tas tinalikuran na niya ako 'wowers kuya a astig rin a'
Humiga ako sa couch at nag-isip-isip at hindi ko namalayang nakatulog na ako.
"Abi gising na, mag bihis ka na mamamasyal tayo ngayon diba, kaya sige na bumangon ka na diyan kung ayaw mong mabuhusan nang malamig na tubig" ani kuya drei
Sinimangutan ko si kuya tsaka ako bumangon, at pumunta sa banyo ng kwarto ko para maligo, pagkatapos kong naligo nag bihis na ako, simpleng light blue dress na up shoulder ang pinili ko at nag-ayos ng kaunti, nag lagay ng make-up sa mukha ko at inayos ang mahaba kong buhok. Bumaba na ako at nakita ko si mommy, si dad at si kuya na bihis na bihis na
"Ang ganda mo naman anak" sabi ni mommy
"Syempre naman mom, manang mana sayo, kaya nga nainlove si daddy dahil sa kagandahan ng ugali at mukha mo, diba daddy?"
"Ah, a oo" ani daddy
"Wag nga kayong mag biro diyan, tayo na nga" ani mom
"Ayiee, kinikilig si mommy" ani namin ni kuya si daddy naman pumunta na sa kotse para ihanda
"Tse! Halina kayo hmp" ani mommy 'ang cute ni mommy, bagay na bagay sila ni daddy, gwapo si daddy mabait, maalalahanin, hmp sana makahanap ako ng kagaya ni daddy na magmamahal saakin habang buhay'
Pumasok na kami sa sasakyan at nagpatugtog si daddy ng radyo. At ayon 'My Love' ang music kaya naalala ko nanaman yung mokong na yun hmp badtrip yun.
~Hi gayzzz sana magustuhan niyo muah :-)
YOU ARE READING
Loving The Bad Boy's Heart
Romance"Isang gabing hindi niya inaasahan, natikman ni Abigal Calixta Fernandez ang ultimate heartbreak kay Shawn Felix Gonza, ang ultimate o first love niya. Pero nang araw ding iyon ipinangako niya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal ulit. Lumipa...