Abi POV.
"Unblock mo ko sa i.g." nakangiting sabi niya na agad na ikinagulat ko, agad ko naman siyang tinaasan ng kilay
"Tss, ba't ko naman gagawin yon?" sarkastikong sabi ko, agad naman niya akong tinawanan kaya mas tinaasan ko siya ng kilay
"Kondisyon nga diba?" nakangising sabi niya "Yun lang naman ang gusto ko eh" pahabol na sabi niya
"Sige na nga!" pagpayag ko, agad naman siyang ngumiti "Pero wala saakin ang cellphone ko, nasa dorm ko" walang reaction na sabi ko
"Edi puntahan natin yung dorm mo" nakangiting sabi niya, agad ko naman siyang kinunotan nang noo
"Ba't ko naman sasabihin kung nasaan ang dorm ko?" nakakunot na noo'ng sabi ko
"Baka kasi hindi ka tumupad sa usapan kapag agad kong ibigay sayo tong i.d. mo" sagot niya sa tanong ko, tinignan ko naman siya nang masama pero ngiti ang isinukli niya saakin
"Sige payag ako na puntahan natin ang dorm ko" pagpapayag ko agad naman siyang ngumisi
"Pero wag kang papasok" sarkastikong sabi ko, agad naman siyang tumango
"Ano pang hinihintay natin? Tara na!" pasigaw na sabi niya saakin, nakita ko naman sa mukha niya ang pagtataka dahil hindi pa ako tumatayo
"Anong tara na? May hinihintay pa ko no!" pasigaw din na sabi ko, agad naman siyang umupo ulit sa tabi ko
Katahimikan ang bumalot saaming dalawa habang hinihintay namin si Seah, pero nabasag ang katahimikang iyon nang magtanong siya saakin
"Anong course mo?" mahinahong tanong niya
"Ba't mo tinatanong?" sarkastikong tanong ko sa kanya, hindi naman nagbago ang reaction sa mukha niya
"Gusto ko lang malaman" pagdadahilan niya, napa buntong hininga naman ako at umayos nang upo
"Civil Engineering" sagot ko sa tanong niya, agad naman siyang tumango
"Eh ikaw?" pilit na tanong ko sa kanya
"Ako?" tanong niya sa sarili niya, habang nakaturo ang isang daliri niya sa kanya
"Interior designer" sagot niya sa tanong ko, agad naman akong tumango
"3rd year college na ko" pahabol na sabi niya agad ko naman siyang tinaasan nang kilay
"Di ko tinatanong" sarkastikong sabi ko, tinignan naman niya ako sa mata na agad ikinagulat ko
Habang tinititigan ko siya inobserbahan ko ang kanyang mukha, ang kulay brown niyang mga mata, ang matangos niyang ilong, ang kissable niyang lips, ang jaw line niyang pinapagalaw niya, ang katamtamang kapal nang kanyang kilay at ang kanyang buhok na kulay black na may kaunting nakalaglag sa kanyang mga noo na parang yung mga koreano ang dating, pero agad akong nagulat nang magsalita siya
"Skl" nakangiting sabi niya
"A-Anong skl?" nagtatakang tanong ko sa kanya, inalis ko naman ang tingin ko sa kanya at agad naman siyang tumawa
"Lol! Di mo alam yun?" sabi niya habang tumatawa tinaasan ko naman siya nang kilay kaya tumigil na siya
"Ang ibig sabihin nang skl, share ko lang" pagpapaliwanag niya agad naman akong tumango, 'ba't di ko alam yun?'
YOU ARE READING
Loving The Bad Boy's Heart
Romance"Isang gabing hindi niya inaasahan, natikman ni Abigal Calixta Fernandez ang ultimate heartbreak kay Shawn Felix Gonza, ang ultimate o first love niya. Pero nang araw ding iyon ipinangako niya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal ulit. Lumipa...