Note: Ang mga paaralang aking tatalakayin ay walang katotohanan at gawa gawa ko lamang
***
Abi POV.
Bumaba na kaming apat sa dining area dahil pinapababa na kami ni mommy
Pagkababa namin agad kong nakita ang napakaraming pagkain na nakahain sa lamesa may sinigang, lechon, menodo, adobo, kare-kare, chrispy pata, pancit at ang favorite kung bistek!
Nakita ko ring nakaupo na sina mommy, daddy, kuya at ang mga lima naming kasambahay, siguro inimbitahan ni daddy o si mommy ang mga kasambahay dahil napakarami yung pagkain, hindi naman ako tutol doon
"Upo na kayo" sabi saamin ni mommy, nginitian ko si mommy at agad din kaming umupo, katabi ko ngayon si mommy kaya tinanong ko siya
"Ano po'ng meron mommy?" pabulong na tanong ko sa kanya, agad naman niya akong nginitian
"Malalaman mo mamaya, anak" sabi niya habang nakangiti, kaya ngumiti rin ako at tumango
Tinignan ko ang mga kaibigan ko at nakita kong tahimik lang sila na nakatingin sa mga pagkain, nahihiya daw kasi sila pag nasa harapan nila ang mga magulang ko, iyon ang sabi nila saakin noon
"Abi" tawag saakin ni daddy "Ikaw ang mag lead ng prayer" sabi niya habang nakangiti, tumango naman ako at nagdasal na
Pagkatapos naming nagdasal kumain na kami, agad akong kumuha ng kanin, bistek, menodo at adobo at inilagay sa pinggan ko, habang kumakain kami napag usapan namin kung saan ako mag aaral
"Saan mo pala gustong mag aral abi?" tanong saakin ni daddy habang kumukuha nang kare-kare
"Kung saan mag aaral ang mga kaibigan ko daddy" sagot ko habang ngumunguya
"Ehh?" gulat na ani ni Carlota "Dapat kung saan mo gusto abi, hindi yung gusto namin" sabi saakin ni Carlota, nginitian ko naman siya
"Yun din ang gusto ko, at tsaka ayaw kong humiwalay sa inyo no! Eh parang kapatid ko na kayo" sabi ko sa kanila tumango naman sila at nagpatuloy na sa pagkain "Tsaka ayaw ko naman na walang kakilala no at least alam kong nandoon kayo, meron akong kakapitan kung may problema ako" sabi ko sa kanila, tinignan ko sina mommy at daddy, nginitian nila ako kaya nginitian ko rin sila
"Saan ba kayo mag aaral?" mahinahong tanong ni daddy sa mga kaibigan ko
"Ahh, sa Mariano International School po sana tito, public po yun" sagot ni daddy, nang malaman kong malapit lang dito sa bahay yung paaralang sinabi nila agad akong napangiti
"Ahh talaga? Okey yan malapit lang dito yan kaya pwedeng pwede lang na lakarin ni abi" pagpayag ni daddy
"Basta Carlota, Ashley, Seah pag may ginawang masama si Abi sa school sumbong niyo saakin ha?" sabi ni mommy sa mga kaibigan ko, ngumiti naman sila at tumango kay mommy
"Eh si kuya mommy? Saan mag aaral?" tanong ko kay mommy at tinignan ko naman si kuya
"Kung saan ka rin mag aaral" sagot ni mommy sa tanong ko agad naman akong nagulat
"Ano? Mommy bakit doon?" tutol ko sa sinabi ni mommy, ayoko na doon din mag aral si kuya dahil baka bantay bantayan niya ako at tututol sa mga gusto kong gawin!
"Anak eh 4th year college na ang kuya mo tsaka ikaw naman 1st year college na pwede din kayong sabay pumasok diba?" pagpayag saakin ni mommy kaya tumango nalang ako para di ko sila nadisappoint
"Mabuti yan abi, malapit na ang pasokan kaya kailangan mo nang maghanda" sabi saakin ni daddy
"Kailan kayo mag eenrol?" tanong ni kuya sa mga kaibigan ko, tinignan ko naman sila
"Baka bukas kuya hehe" sagot ni Seah, tumango naman si kuya at tinignan ako
"Sabay sabay nalang tayo" sabi ni kuya saakin, kumunot naman ang noo ko at tinangoan ko nalang siya
"Ano pala ang course niyo?" tanong saamin ni daddy "Si kuya mo abi gusto daw maging Lawyer" sabi saakin ni daddy, tinangoan ko naman siya
"Gusto ko maging civil engineer daddy, mommy" sabi ko sa kanila, tumango naman sila
"Okey sige hindi naman kami tututol nang daddy mo dahil yun ang gusto mo" pagpayag ni mommy sa gusto ko "Kayo anak? Anong course niyo?" tanong ni mommy kina Ashley, Seah at Carlota
"Gusto ko rin po'ng maging civil engineer" sagot ni Seah, habang nakangiti, tumango naman si mommy
"Ako po gusto ko pong maging architectural interior" sagot naman ni Ashley
"Ako gusto ko naman po'ng maging fashion designer, taggap naman po nang pamilya ko hehe" sagot naman ni Carlota, nginitian naman siya ni mommy
"Mabuti naman, pagbutihin niyo ang pag aaral niyo ha? Wag munang magboyfriend haha" paalala saamin ni daddy tumango naman kami
"May sasabihin pala kami nang mommy niyo, kaya nga tayo naghanda nang marami diba?" masayang sabi ni daddy kaya tinignan ko sila
"Ano po yun mommy?" masayang tanong ko sa kanila, nagulat naman ako sa sagot ni mommy
"Iam 7 weeks pregnant!"
~yownn haha sana nagustuhan niyo:-) vote and comment lang kayo kung may katanungan kayo hehe
YOU ARE READING
Loving The Bad Boy's Heart
Romance"Isang gabing hindi niya inaasahan, natikman ni Abigal Calixta Fernandez ang ultimate heartbreak kay Shawn Felix Gonza, ang ultimate o first love niya. Pero nang araw ding iyon ipinangako niya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal ulit. Lumipa...