Abi POV.
"Abi, gising na, nasa pilipinas na tayo" tawag saakin ni kuya kaya umupo na ako ng maayos
Tumingin ako sa labas nang bintana at nag dedescending na ang eroplano kaya napahawak ako sa braso ng kuya ko, takot kasi ako kapag tumataas at bumababa ang eroplano, mabuti nalang at nandito ang kuya ko
Narinig ko ang kaunting tawa ni kuya ng naramdaman niyang nanginginig ako sa takot
"Haha, ano ba abi? Takot ka parin disinuebe ka na para ka paring bata, haha" kotya saakin ni kuya kaya inalis ko ang pagkakahawak ko sa braso niya at kinunotan ko siya nang noo
Wala masyadong nangyari pagkatapos naming pumunta sa peryahan, pumunta lang kami noon sa mga kakilala ni mommy
Pinababa na ang mga pasahero kaya bumaba na kami, agad ko nang linapitan ang mga kaibigan ko ng makita ko sila at niyakap na parang matagal na kaming hindi nagkita
"Namiss kita sis!" sabi saakin ni Carlota ang baklang friend ko, sabay ngiti saakin
"Di kita namiss sis" biro ko sakanya na naka sad face ba, nakita ko naman sa mukha niya ang lungkot
"Charot lang" sabay tapik sa balikat niya "Siyempre miss din kita haha" sabi ko sa kanya, nakita ko naman sa mukha niya ang saya 'tss, baklang twuo'
"Si Carlota lang ba ang namiss mo?" malungkot na sabi ni Ashley "Di mo ba kami namiss ni Ashley?" malungkot ding sabi ni Seah, tinawanan ko naman silang dalawa
"Hahahaha!" tawa ko sabay turo sa kanilang mga mukha "Tumigil nga kayo, para kayo'ng mga tae!" sabi ko sakanilang dalawa, tumigil na din ako sa pagtawa dahil baka nagmumukha na akong tanga dito "Ang drama niyo! Siyempre namiss ko din kayo noh" nakita ko naman sa mukha nila Ashley at Seah ang saya, kaya niyakap ko silang tatlo, masaya ako dahil para ko na silang mga kapatid kaya mahal na mahal ko sila 'tss, drama mo rin self'
Nakita ko naman sina mommy, daddy at kuya na papalapit sa gawi namin, nauna kasi ako dahil nakita ko ang mga kaibigan ko
"Oh! Anak tayo na, nandito na yung driver natin" sabi saakin ni daddy, kinuha ko naman ang bagahe ko at binitbit yun papunta sa parking
Sumabay nadin sina Ash, Carlota at Seah saamin dahil pupunta muna sila sa bahay para narin makikain, lol
Tahimik lang kami sa sasakyan, inilabas ko ang phone ko para mag scroll sa ig, pero noong hindi na boring na ako sa pag iiscroll pinicturan ko na lang ang bintana nang sasakyan at inilagay ko sa story nang ig ko, 'Hometown' iyon nalang ang inilagay kong caption at ibinaba na ang phone ko at natulog saglit dahil malayo layo pa ang bahay namin sa laguna
"Abi, gising na" dinig kong sabi saakin ni Ashley "Nandito na tayo sa bahay niyo, oy" tinapik niya ang balikat ko kaya nagising ako, kinuskus ko din ang mata ko na parang bata para hindi blurred ang makita ko
Pagkababa ko nang sasakyan kinuha ko ang mga bagahe ko at pumasok na sa bahay at pumunta sa kwarto ko para magpalit ng damit dahil nasisikipan ako sa suot kong tube, nagsuot ako nang maluwag na damit at nagshorts, ginawa ko ding messy bun ang buhok ko
Bumaba na ako sa kwarto ko at pumunta sa living room, nandoon din ang mga kaibigan ko nanonood ng netflix, nakatalikod sila saakin kaya di nila ako nakita, tinignan ko kung ano ang pinapanood nila at nang malaman kung horror iyon kaya nakaisip ako ng masamang balak, haha lol
"Ayan na siya!!!" sigaw ni carlota na nakakapit pa kay ashley si Seah naman nakayakap sa unan at tinatakpan ang kanyang mata
"Waahhhhhhhh!" sabay sabay na sigaw nila ng hawakan ko ang mga balikat nila, tumawa naman ako nang malakas nang makita ang mga itsura nila
"Ano ba abi!!!" sigaw saakin ni Seah, sabay bato saakin ng unan
"Haha!!!" halakhak ko, tinaasan naman nila ako nang kilay
"Di ka na makakatawa pa kapag may gawin kaming masamang balak sa iyo abi" banta saakin ni carlota na nakangisi pa kaya tumigil na ako sa kakatawa at tumakbo papuntang dining area para hindi nila ako mahabol at para nading tumulong sa paghahanda
Habang nagpupunas ako sa lamesa, naramdaman kong lumapit saakin si mommy, at agad din naman akong nagulat sa tanong niya
"May boyfriend ka na ba abi?"
~Owkeyy?? Hope you guys enjoy haha lol
YOU ARE READING
Loving The Bad Boy's Heart
Romance"Isang gabing hindi niya inaasahan, natikman ni Abigal Calixta Fernandez ang ultimate heartbreak kay Shawn Felix Gonza, ang ultimate o first love niya. Pero nang araw ding iyon ipinangako niya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal ulit. Lumipa...