Abi POV.
"Nandito na tayo!" sigaw ni mommy, parang mas excited pa siya kaysa saakin
Bumaba na ako ng sasakyan at inilibot ang aking mga mata sa kapaligiran
Di ko alam kung nasaan kami ngayon pero ang daming tao, marami ring rides, tsaka marami ring tindahan ng mga souvenirs
Agad akong niyaya nila mommy na sumakay sa mga rides pero tumanggi ako, dahil takot ako at ayaw kong sumakay kaya nagpaiwan nalang ako sa baba
Nakita kong may upuan sa tabi ng cotton candy shop kaya agad akong umupo doon at nagcellphone nalang, pinicturan ko ang paligid at inilagay sa story's ko sa ig
Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko nang may tumabi saaking isang lalaki, agad ko siyang tinignan at nakita niya ako nakatingin sa kanya kaya iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanya
"Hi" bati ng katabi kong lalaki sa akin pero di ko pinansin
"Hi, miss" bati niya ulit saakin kaya tinignan ko siya at nagtama ang paningin namin
"Oh my god" gulat na sabi ko ng makita ko kung sino siya, agad naman siyang tumawa
"Haha! Bakit parang gulat na gulat ka?" natatawang tanong niya
"Ngayon lang kasi ako nakakita nang aswang eh, kaya nagulat ako" birong sabi ko, nakita ko naman sa mukha niya ang pagtataka
"Wew, parang di ka rin nagmumukhang multo" pambabadtrip na sabi niya saakin
"Wew rin ah, ang yabang yabang mo noon sabi mo gwapo ka"
"Bakit? Hindi ba ako gwapo? Alam mo ikaw lang ang nagsasabi saakin na hindi ako gwapo, bakit, type mo ko no?" sunod sunod na tanong niya, nagulat din ako sa huling sinabi niya,tinaasan ko siya ng kilay
"Eh bat naman kita type? Eh pangit ka nga diba? Ang mga tipo ko yung mga gwapo, mabait, at tsaka magalang! in short hindi ikaw!" sarkastikong sabi ko na nakapamewang pa
"Aww, mashaket" pag-iinarte niya sabay hawak sa puso niya
"You son of a bi--" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang ilagay niya ang isang daliri niya sa bibig ko
"Epp! Alam mo bang bawal ang magsalita ng bad words dito?" sabi niya sabay tanggal ng daliri niya sa bibig ko "Alam mo bang pag may makarinig sayo pwede kang hulihin?" agad naman akong kinabahan sa mga sinasabi niya
"Eh, di ko naman alam yun eh" pagdadahilan ko, agad naman siyang tumawa "A-anong nakakatawa?" tanong ko
"Naniniwala ka talaga saakin?! Hahaha potcha" tawang tawang sabi niya habang nakahawak sa tiyan niya
'sige! mamatay ka na! baliw'
"Uto-uto hahaha" sabi niya sakin habang tumatawa nakaturo pa saakin ang isang daliri niya 'jusko'
Tumayo nalang ako at naglakad paalis di niya naman ako napansin sa kakatawa niya, pumunta nalang ako sa mga bilihan ng mga souvenirs para bilhan ng pasalubong ang mga kaibigan ko, syempre bibilhan ko rin yung sarili ko noh
Pagkatapos kong bumili ng mga souvenirs nag ikot ikot lang ako at nakita ko sina mommy na enjoy na enjoy, si kuya naman parang nahihilo na, agad ko naman silang nilapitan at nginitian
"Oh anak, saan ka pumunta?, di ka manlang sumakay sa mga rides" ani ni mommy
"Ayoko pong sumakay, tsaka alam niyo naman pong takot ako sa mga rides diba?"
"Oo alam ko pero sana sinubukan mo manlang" lungkot na sabi ni mommy at nginitian ko nalang siya senyales na okey lang ako
Noong bata kasi ako palagi kaming pumupunta nina mommy, daddy, at kuya sa mga peryahan pero nakakita kasi ako ng mga nasisiraan kaya natatakot ako
"Tayo na, uwi na tayo, sa bahay nalang tayo kakain ako ang magluluto" ani daddy na nakangiti
Our mouth formed 'o' nang marinig namin ang sinabi ni daddy bihira kasing magluto si daddy kaya ganon nalang ang gulat namin ng sabihin niyang siya ang nagluluto
"Sige tayo na!" excited na sabi ni mommy
~ i hope you guys enjoy :-)
YOU ARE READING
Loving The Bad Boy's Heart
Romance"Isang gabing hindi niya inaasahan, natikman ni Abigal Calixta Fernandez ang ultimate heartbreak kay Shawn Felix Gonza, ang ultimate o first love niya. Pero nang araw ding iyon ipinangako niya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal ulit. Lumipa...