11

24 3 0
                                    

Abi POV.

"Kanina palang tumatakbo ako! May nabunggo akong lalaki pero di ko pinansin baka doon nahulog!" pasigaw na sabi ko kay Seah, nakita ko naman sa mukha niya ang pag aalala


"Pero hindi ako sigurado kung doon nga" nag aalalang sabi ko "Tignan ko muna sa dorm mamaya kung wala doon baka sa classroom o sa daan" ani ko sa kanya habang minamasahe ang noo ko


"Buti nalang at hindi napansin nang manga profs" seryosong tugon ni Seah


"Kain muna tayo tignan ko nalang mamaya" mahinahong sabi ko sakanya, agad naman kaming tumayo at um order nang makakain, ang in order ko lang ay yung adobo at kanin, si Seah naman ay menodo, adobo, softdrinks at tsaka kanin


Pagkaupo namin agad ko siyang tinanong "Ba't ang dami naman yata yang kakainin mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya


"Nagugutom kasi ako eh, pandesal lang ang kinain ko kaninang umaga hehe" pagdadahilan na sagot niya, agad ko naman siyang tinanguan


"Eh ikaw, ba't ang kaunti lang ang in order mo" nagtatakang tanong niya "Eh ang alam ko di ka nakapag breakfast kanina dahil nagmamadali ka" sabi niya habang naka kunot ang kanyang ulo


"Di ako nagugutom" pagdadahilan ko "Tsaka inaalala ko yung i.d. ko, first day of class palang nawala ko na" nakakunot na sabi ko, agad naman siyang tumango


Pagkatapos naming kumain, naglibot libot muna kami bago kami pumasok, agad namang natapos ang klase dahil wala naman kaming ginawa masyado at puro pagpapakilala lang, agad ko namang niyaya si Seah para umuwi na


"Seah, tara na" pagpipilit ko sakanya, nasunurin naman siya kaya sumunod nalang siya saakin


Pagkapasok ko sa dorm namin agad kong hinanap ang i.d. ko bawat sulok, pero wala akong nakita, tinulungan din ako ni Seah pero wala din siyang nakita


"Kailangan nating mahanap yung i.d. seah" maiiyak nang sabi ko sakanya, agad naman niya akong niyakap


"Tanungin nalang natin yung guard kung may nakita silang i.d." mahinahon na ani ni Seah saakin at agad naman akong tumango


Agad kaming lumabas nang dorm at pumunta sa may guard house, tinanong namin kung may nakita silang i.d. pero sabi nila ay wala daw


"Hmp! Saan tayo maghahanap ngayon!" pasigaw na sabi ko habang maiiyak na


"Mahahanap natin yan abi" mahinahong ani niya saakin, habang yakap yakap ako, yan ang gusto ko kay Seah eh, hindi lang kay Seah pati narin kina Carlota at Ashley, dahil kung may problema ako nandyan sila palagi


Nagdorm ako para hindi malate pero hindi lang iyon ang dahilan ko, nag dorm ako dahil gusto kung makasama kahit isang kaibigan ko para may tumulong saakin kung may kailangan ako, tulad ngayon, tsaka ayaw ko din na dalawa lang kami ni kuya sa bahay kasama nang mga kasambahay dahil pumunta sina mommy at daddy sa La Union dahil may business sila doon


Agad kaming naglibot ni Seah sa kung saan saan "Pano kung hindi natin mahanap Seah" naiiyak na naman na sabi ko "Baka mapagalitan ako kina Profs bukas 2nd day pa naman nang classe mawawala agad ang i.d. ko" nag aalalang sabi ko sa kanya, nginitian niya naman ako


"Alam mo kanina mo pa sinasabi yang 'First day of class pa lang naman mawawala na agad ang i.d. ko' haha" panggagaya niya sa boses ko, habang tumatawa nang kaunti para pakalmahin ako "Alam mo sis! Ang nega mo!" pasigaw na sabi niya saakin, natawa naman ako nang kaunti "Di ba nga! Palaging sinasabi nang mga magulang natin 'Wag gamitin ang bibig sa paghahanap, ang dapat gamitin mata'! Haha" pag papaaral niya saakin, agad ko naman siyang nginitian at tinanguan


"Tss! Tara na nga haha!" pasigaw na sabi ko habang tumatawa, nakita ko naman sa mukha niya ang saya dahil natawa na ako


Nilibot namin ang buong Engineering Building pero wala parin, kaya agad nanamang bumuhos ang mga luha ko at naramdam ko naman na tumabi saakin si Seah at niyakap


"P-paano y-an S-seah" nauutal nang sabi ko "Wala y-yung i.d. ko baka ma-mapagalitan a-ako sa mga p-profs" umiiyak na sabi ko, linabas niya naman ang panyo niya para punasan ang mga luha ko


"Wag kang mag alala" mahinahong sabi niya saakin "Alas siyete palang may tatlong oras pa tayo maghahanap" sabi niya saakin habang hinahaplos ang ulo ko


"Salamat S-seah ahh, dahil p-palagi k-kang nandiyan p-para sa-saakin" nakangiting sabi ko, agad din naman niya akong nginitian


"Walang anuman tsaka diba nga ganoon ang kaibigan, nandito palagi sa oras nang pangangailangan" nakangiting sabi niya saakin, agad naman akong kumalas sa pagkakayakap niya at tumayo nang maayos


"Saan na tayo ngayon?" mahinahong tanong ko sa kanya


"Umupo ka muna doon sa may upuan" turo niya sa may upuan sa tabi nang mga halaman "Bibili lang ako nang tubig, haha wag kang matakot diyan may ilaw naman oh! Tapos nandoon naman yung mga guardya!" pang uuto niya saakin, agad naman akong umupo doon at nakita ko namang umalis na siya


Nag muni muni muna ako, iniisip kung ano ang mangyayari saakin bukas, kung mapapagalitan ba ako, pero agad namang akong nagulat nang may umupo sa tabi ko


"Anak nang--!" gulat na sabi ko habang nakahawak ang isang kamay ko sa banda nang dibdib ko, nakita ko agad kung sino siya kaya iniwasan ko siya nang tingin


"May hinahanap ka ba Miss?" nagtatakang tanong niya, pero hindi ko siya tinignan


"Pake alam mo?!" pasigaw na tanong ko sa kanya agad naman siya tumayo at pumunta sa harapan ko


"Pake alam ko?" nagtatakang tanong niya sa sarili niya "Syempre may paki alam ako haha" parang baliw na sabi niya "May hinahanap ka bang isang bagay na mahalaga sayo?" tanong niya saakin, agad ko naman siya inerapan


"Paki alam mo?" pag uulit na tanong ko sakanya agad naman siyang natawa


"Kaninang umaga" pagkwekwento niya pero di ko parin siya pinansin "May naka bunggo saaking isang babaeng walang galang, hindi manlang nagsorry, tsk tsk" umiiling na sabi niya, agad ko naman siyang tinignan nang mapagtanto kung ako yung nakabangga sa kanya


"Dahil sa hindi man lang siya nag sorry, agad siyang nakarma, nahulog niya ang i.d. niya ang pangalan Abigail Calixta Fernandez, haha" natatawang sabi niya at agad niyang inilabas ang i.d. ko, aagawin ko na sana iyon pero inilayo niya ito saakin


"Akin na yan!!" galit na sigaw ko sa kanya


"Wew! Ikaw pa ang galit ngayo Ms. Abigail" seryosong sabi niya saakin


"Edi sorry po" mahinahong sabi ko pero di niya parin ibinigay


"Sige na oy!" pagpupumilit ko sa kanya


"Ibibigay ko to sa isang kondisyon" mahinahong sabi niya, agad naman akong tumango


"Anong kondisyon?" nag aalalang tanong ko agad naman akong napanganga sa sinabi niyang kondisyon


"Unblock mo ko sa i.g."


~Haha, sana magustuhan niyo! Please vote and comment narin thank you muwapss

Loving The Bad Boy's HeartWhere stories live. Discover now