13

24 3 0
                                    

Abi POV.

"Na siya ang pinakasikat na badboy dito sa MIS" seryosong sabi ni Seah



Agad naman akong napanganga dahil hindi ko alam yun, na hindi ko alam na badboy pala ang kasa kasama ko!




"P-paano mo n-nalaman?!" nauutal na sigaw ko sa kanya, agad naman siyang umayos nang upo




"Kaninang pumunta ako sa canteen, may mga babaeng pinag uusap si Shawn" pagkwekwento niya, agad ko naman akong napatingin sa kanya nang banggitin niya ang pangalang 'Shawn'



"Kaya umupo ako sa may upuan malapit sa kanila para pakinggan ko ang mga pinagsasabi nila" ani ni Seah, tinawanan ko naman siyang dahil ang tsismosa niya, pero inerapan niya lang ako



"Sabi nila 'sayang si Shawn no umalis sa grupo nila dahil gusto niyang pagbutihin ang kanyang pag aaral' yun" panggagaya niya sa sinabi daw nang mga babae



"Tapos nalaman ko na ang grupo palang sinasabi nila ay ang grupo nina Keiron, Neil, at Jecho" pagpapaliwanag niya, kumunot agad ang noo ko dahil hindi ko alam lahat iyon



Di ko alam na miyembro dati si Shawn sa grupo nila, eh sino lang naman ako, crush ko lang siya, di niya pa ako kilala tsaka hindi ako chismosa no! hayst



"Sinabi din nila na si Keiron ang pinakasikat sa kanilang apat, para siya na daw ang leader nila" pagkwekwento niya kay Keiron, agad naman akong tumango sa kanya



"Si Shawn naman daw ay yung pinakamatalino" pagkwekwento niya naman kay Shawn



"Mag bestfriend daw sila dati" agad na sabi niya



"Yung dalawa naman di ko na alam  dahil sinita ako dahil wala naman daw akong kinakain, hehe" napipilitang ngumiting sabi niya



"Pero nakita ko naman ang mga pictures nila haha tinignan ko sa ig hehe" pahabol na sabi niya agad naman akong tumango



Alam ko naman ang ig ni Shawn pero di niya parin ako finollow back huhu



"Tanongin mo nalang kay Keiron yunh dalawa hehe" pahabol na sabi niya saakin habang nang aasar ang kanyang mga tingin saakin, agad ko naman siyang tinaasan nang kilay



"Shawn lang ako no" sabi ko habang nakangiti



"Wala naman akong sinabi ah" nang aasar na namang sabi niya saakin



Agad ko namang naalala ang sinabi saakin ni Keiron kanina



'Skl or Share ko lang'



Kaya agad kung tinignan si Seah nang nakangiti



"Skl" sabi ko sa kanya, agad ko namang nakita ang nagtatakang mukha niya



"A-anong s-skl?" nagtatakang tanong niya habang nauutal pa, agad ko naman siyang tinawanan



"Haha!" tawa ko "Sabi ko na nga ba di mo alam yun eh!" sabi ko sa kanya habang nakaturo ang isang daliri ko sa kanya, kinunutan naman niya ako nang noo



"Ang ibig sabihin nang skl, share ko lang" sabi ko sa kanya, agad naman siyang tumango



"Sinong nagsabi sayo?" seryosong tanong niya



Loving The Bad Boy's HeartWhere stories live. Discover now