Abi POV.
Hindi na ako nagpumilit nang yayain niya akong sumabay sa kanya dahil baka malate ako
Tahimik lang kaming dalawa habang nasa sasakyan kami
Pagkarating namin sa school agad naman nilang pinagtitinginan ang kotse ni Keiron dahil mygod sino ba naman ang hindi maaantig sa mustang
Pero agad naman akong nagulat nang ako na pala ang tinitignan nila, nakakunot ang mga noo nila na parang kalaban nila ako lol
Di ko namalayan na nasa parking lot na pala kami, at di ko rin namalayan na bumaba na siya at pinagbuksan ako nang pinto
Agad ko siyang kinunutan nang noo at tumingin sa paligid nakita ko naman na tinagtitinginan ako nang mga tao kaya sa kabila o sa driver door nalang ako lumabas
Pagkalabas ko kinunutan ko agad nang noo si Keiron at naglakad papunta sa engineering building, pero agad din naman niya akong hinabol at hinawakan ang palapulsuhan ko pero hinugot ko agad iyon
Hindi nalang ako nagsalita at naglakad nang mas mabilis para makapunta na sa classroom ko
Agad akong pumunta sa hagdan dahil doon ang daan paakyat, second floor kasi ang classroom ko
Naramdaman ko naman na sumusunod pa siya saakin kaya mas binilisan ko ang paglakad
Papasok na sana ako sa classroom namin pero hinila niya ako at nasapo nang ulo ko ang dibdib niya
Tinaasan ko siya nang kilay nang makatayo na ako nang maayos tinignan ko naman ang classroom ko para tignan kung nagsimula na sila pero hindi pa
"Ano bang kailangan mo?" sarkastikong tanong ko sakanya
"Ikaw" nakangiting sagot niya sa tanong ko pero nakikita kung pilit iyon
"Ano ba! Sabi---" napatigil ako sa pagsigaw nang may sabihin siya
"Kailangan lang naman kita dahil yung pinto nang sasakyan ko sa driver sit nagasgasan dahil kaninang binuksan mo yun natama sa pader kaya ayon nagasgasan" pagpapaliwanag niya saakin, agad naman akong nagulat sa sinabi niya, pero hindi agad ako naniwala
"Tss, wag mo kong lukuhin" sarkastikong sabi ko sa kanya habang nakataas ang aking kilay, agad naman siyang suminghal
"Di ka naniniwala?" parang magagalit nang sabi niya, agad naman akong kinabahan
"Hindi!" sarkastikong sabi ko, hindi ko naman ipinakita ang kaba ko
"Halika" sabi niya saakin habang hinugot ang palapulsuhan ko pero agad ko naman iyon hinugot
"Edi sorry! May klase pa ko no!" sabi ko sa kanya tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako
"Wow sorry lang? Alam mo ba yung nagasgasan mo?" nagagalit nang sabi niya saakin kaya mas kinabahan ako
"E-edi p-pa re-repair mo!" nauutal na sigaw ko sa kanya, agad namang kumunot ang noo niya
"Sinong mag paparepair?" galit na talagang sabi niya
"Babayaran ko nalang hehe" kinakabahang sabi ko
"Kelan?" tanong niya saakin agad naman akong nag isip
"Mamaya sa baba nang dorm namin" sabi ko sa kanya, kinakabahan naman ako dahil baka wala akong pera
"Sige pero alam mo bang kung magkano ang pagparepair?" tanong niya saakin agad ko naman siyang kinunutan nang noo
"Eh bat ko naman alam hindi naman ako yung nagrerepair no!" sarkastikong sigaw ko sa kanya
"60,000 mustang yun" sarkastikong sabi niya saakin agad naman akong nagulat sa presyo
"Ang o.a. naman!" sigaw ko sakanya napangisi naman siya
"Pag usapan nalang natin mamaya" sabi niya saakin at agad naman siyang tumalikod at naglakad na palayo
Pumasok na agad ako sa classroom at nakita ko si Seah na nag aabang sa labas kaya agad ko siyang kinawayan nang makita niya ako
Agad akong kumapit sakanya at umupo sa tabi niya, agad ko naman siyang sinimangutan nang noo nang maalala ko na iniwan niya ako kanina
"Ba't mo ko iniwan kanina?" sarkastikong tanong ko sakanya habang tinataasan ko siya nang kilay
"Ah wala, naiihi na kasi ako kaya tunakbo nako hehe" pagdadahilan niya pero di ko pinaniwalaan yun, hinayaan ko nalang siya
"Tsanga pala anong nangyari sainyo ni Keiron?" nang aasar na tanong niya saakin
"Wala" sabi ko sakanya, agad naman siyang nagtaka
"Wala? Bakit wala?" nagtatakang tanong niya agad ko naman siyang binatukan
"Pinagsasabi mo hoy" sabi ko sa kanya
"Magkwento ka naman magkaibigan ba tayo?" malungkot na sabi niya agad ko naman siya inerapan
"Tss, sige na nga!" sabi ko sa kanya, agad naman siyang umayos nang upo
"Kaninang iniwan mo ko niyaya niya akong sumabay sa kanya" pagkwekwento ko sa kanya
"Ano!!?" sigaw niya kaya napatingin ang mga classmate namin sa kanya, nagpeace sign naman siya
"Ang ingay mo" sabi ko sakanya agad naman niya akong nginitian
"Sumabay ka naman?" nang aasar na tanong niya saakin
"Oo, malalate na ko no" pagdadahilan ko naman siya agad naman siyang tumango
"Oh tapos?" tanong niya pa
"Tapos kanina bababa ako nasagi yung pinto nang driver seat sa pader kaya nagas gas" pagkwekwento ko na naman sa kanya, agad namang lumaki ang mga mata niya
"Ano!?" sigaw niya saakin, buti nalang at mahina lang iyon
"Oo, tss babayaran ko nga mamaya eh, pa utang naman" sabi ko sa kanya
"Mag kano ba?" sabi niya saakin na parang papautangan talaga ako
"60,000" sabi ko sa kanya
"60,000!?" sigaw na tanong niya agad namang napatingin ang mga kaklase namin pero inalis din nila agad
"Oo" sabi ko sa kanya
"Lol, saan ka kukuha nang pambayad mo?" nagtatakang tanong niya
"Sa atm ko nalang hayst" sabi ko habang sumisinghal
Agad namang pumasok ang prof namin kaya tumigil na kami sa pag uusap
~hope you guys enjoy!
YOU ARE READING
Loving The Bad Boy's Heart
Romance"Isang gabing hindi niya inaasahan, natikman ni Abigal Calixta Fernandez ang ultimate heartbreak kay Shawn Felix Gonza, ang ultimate o first love niya. Pero nang araw ding iyon ipinangako niya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal ulit. Lumipa...