Chapter 6

2.7K 109 6
                                    

I have a guest room dun ka na lang magstay. Bukas na lang kita ihahatid sa apartment mo or sa hospital kung saan gusto mo. Sabi ko kay Alyssa.

Napansin ko kasing nabigla ito ng sinabi ko na dito na siya magstay.

O-okay. Utal na sagot nito.

Come. I'll show you to the guest room. Sabi ko at hinawakan ang kamay nito saka giniya ito papunta sa guest room.

Dito ba tayo titira? Bigla nitong tanong.

I was planning to stay here pero if you want we can buy a house naman. Sabi ko dito.

Ah okay na ko dito. Sabi nito.

Okay. Ito yung guest room. Medyo maliit compared sa room ko. May sariling bathroom din dyan. I already asked my personal shopper to buy you clothes. Hindi ko alam ang type mo kaya ikaw ng bahala. Sabi ko dito kasi di pa tapos yung pinainstall ko na closet niya sa room namin.

Okay thank you. Sabi nito.

Sige if you need anything nandun lang ako sa study. Just have to finish some work. Sabi ko at tumango lang ito kaya iniwan ko na.

***

Ang oa ni Kiefer mamili ng damit. Parang 2 year supply ng damit yung nasa closet. Pinakanaloka ko sa mga undergarments dahil puro lace. Ano bang kala nito sa akin stripper? May mga stockings pa.

Okay naman yung mga damit. May casual din pero hindi naman na kasi kailangan dahil may damit din naman ako. Kailangan ko din kunin pala sa apartment ko. At dapat na rin pala ako magnotice na aalis na ako dun. Ayoko naman mag-aksaya din  ng pera kung libre naman ang tira ko kay Kiefer. Sigurado din naman ako na di papayag si Kiefer na hindi sa iisang lugar kami nakatira.

Ready naman ako dun, kasama yun sa bayad sa pagtulong niya sa tatay ko. Hindi naman ako pwedeng umarte dahil di naman ito nagdalawang isip ng tulungan kami. Kaya kagaya nito tutupad din ako sa usapan. Yun nga lang hindi ko talaga siya pwedeng bigyan ng anak.

Nagshower muna ako para makapagrelax bago matulog. Namiss ko rin matulog sa kama ng mag-isa. Kagaya ni nanay sumakit din ang likod ko dahil nagsiksikan kaming dalawa sa iisang maliit na kama sa hospital.

Pagkalabas ko ng banyo tinawagan ko ito para kamustahin hindi ngalang sumagot dahil gabi na pala. Hindi ko rin napansin ang oras. Humiga na ako para matulog pero isang oras na ata ako nakatitig sa ceiling pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Siguro namamahay ako saka nagugutom din ako kaya naisipan kong lumabas muna ng kwarto.

1 am na kaya sure akong tulog na si Kiefer at tama naman ako dahil madilim na sa labas ng kwarto kung saan ako nagstay. Yun nga lang di ko kabisado yung penthouse ni Kiefer kaya di ko alam kung saan ang kusina kaya binuksan ko yung flashlight ng cellphone ko at naglakad lakad. Alam ko kung saan ang room ni Kiefer kaya alam ko kung saan lugar iiwas pero unang pinto pa lang nagulat na ko.

Ahhhhh ahhhhhh ahhhh. Rinig kong sabi ni Kiefer.

Nakatalikod ito pero sa itsura at sa sinasabi nito ay di naman ako tanga para di malaman kung anong ginagawa nito.

Alyssa. Tawag nito sa akin kaya napatingin ako dito.

Shit ang dumi ng isip ko, nagdudumbells pala. Kasi naman walang pangitaas na damit tas pawis na pawis pa. Ngayon ko lang narealized na gym pala yung room.

Sorry. Sabi ko.

Di ka makatulog? Tanong nito habang nagpupunas ng mukha at katawan kaya naman parang nag-init bigla yung pakiramdam ko.

Naghahanap ako ng kitchen. Sabi ko dito.

Wala akong kitchen. Magorder ka na lang sa room service. Sabi nito.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon