Chpater 9

3.1K 90 8
                                    

Ma'am gusto niyo pong pumunta ng hospital? Tanong sa akin ni Raffy nung pagalis namin ng hotel.

Hindi na. Sabi ko ng biglang magring yung phone nito.

Yes sir. Papuntang penthouse po. Ayaw daw po niya. Okay po sir. Sa may st. Lukes na lang po. Wait lang po. Ma'am kausapin daw po kayo ni Sir. Sabi nito.

Ayoko. Sabi ko.

Sir. Opo eh. Okay po. Sabi nito at binaba na yung phone.

Ma'am sabi ni Sir dumaan daw po tayo ng hospital. Sabi nito kahit ayaw ko ayoko naman mawalan ito ng trabaho dahil sa ayoko lang magpadala sa hospital.

Okay. Sagot ko.

Raffy. Tawag ko dito.

Yes ma'am? Tanong nito.

Kilala mo ba yung sumampal sa akin? Tanong ko dahil alam ko naman na nakita nito yung sumampal sa akin kanina.

Ahmm nanay po ni ma'am Paula yung ex ni sir. Sabi nito.

I see. Sabi ko at tumingin na lang sa labas hanggang makapunta kami ng ER.

Kung kanina manhid yung mukha ko ngayon ang kirot na. May mga kalmot pala ako sa mukha.

Sorry ma'am, just wanna make sure your wounds are clean. Sabi nung nurse. Hindi ko lang masabi dito na siya kaya ang buhusan ko ng alcohol sa mukha.

Babe. My god are you okay? Tanong ni Kiefer na bigla na lang sumulpot kung saan.

Why don't I slap you, scratch your face and then pour alcohol on your face. Try natin kung okay lang. Sabi ko dito at natawa yung nurse.

Pasensya ka na masungit talaga pag buntis. Sabi nito.

I'm not pregnant. Sigaw ko dito at nahiya naman ako kasi madami palang tao sa emergency.

Eh di you're not kailangan pa talaga ipagsigawan eh noh. Sabi nito at inirapan ko lang ito.

Nakita na ngang ang sakit ng mukha ko dahil sa sampal ng nanay ng ex niya nakuha pang mambwiset.

Ma'am here are your meds po. Antibiotic for infection and pain reliever po sa kirot. Sabi nung nurse.

Hindi ba makakasama sa baby namin yan? Tanong ni Kiefer kaya tinignan ko ito ng masama.

Joke lang ikaw naman babe hindi mabiro. Gagawa pa lang kami mamaya miss. Sabi nito sa nurse kaya kinurot ko ito.

Miss may psych ward ba kayo dito? Gusto ko ipaadmit to eh. Sabi ko sabay turo kay Kiefer.

Ma'am mukhang sa puso naman ho ata ang tama ni Sir hindi sa utak. Sabi nung nurse.

Huh? Takang tanong ko.

Eh anlakas po ng tama sa inyo ng asawa niyo eh. Sabi nito so I rolled my eyes on them both.

Ewan ko sa inyo. Sabi ko at iniwan ko na ito.

Alyssa how are you? Oh my god what happened? Nagulat ako ng salubungin ako ni Tita paglabas ko ng emergency.

I'm okay mommy. Mababaw lang naman po ito. Sabi ko kahit masakit talaga siya sa totoo lang

I'm so sorry about what happened. I wasn't expecting Katrina to do this. Sabi nito marahil yun yung pangalan ng nanay ni Paula.

Mommy. Hayaan niyo na po okay lang ako. Sabi ko dito.

Okay? Eh may plaster yang mukha mo. I will talk to Katrina and ask her to apologize. Sabi nito.

Mommy, wag na po. Intindihin na lang po natin. Alam ko naman po kung bakit galit sa akin yung nanay ni Paula. Hayaan na lang po natin, wag na po natin palakihin. Sabi ko dito.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon