Chapter 7

2.9K 96 7
                                    

Ever since nagbeach kami ni Kiefer parang may kung anong nangyari dito at naging serious na siya after nun. Hanggang ngayon na pauwi na kami ng Manila tahimik ito at parang kung anong may bumabagab sa isip nito.

Okay ka lang? Hindi ko maiwasang itanong.

Yup. Tipid na sagot nito kaya naman hindi ko na ito kinulit pa at pumikit na lang ako para umidlip dahil mahaba pa naman ang byahe.

Raffy, ibaba mo ko sa condo tapos ihatid mo si Alyssa sa apartment niya. May kukunin siyang gamit. Tulungan mo na rin. Rinig kong sabi nito.

Copy Sir. Sagot naman ng driver nito.

Nalito ako kung magkaiba ba yung condo sa penthouse pero malamang oo. Kasi hotel yung isa yung isa condo. Hindi ko na lang pinansin at natulog na lang ako. Nagising lang ako ng gisingin ako ni Raffy at sabihin na nasa apartment na kami.

Si Kiefer? Tanong ko dahil wala na ito sa kotse.

Ah nasa condo po. Sabi ni Sir after dito ihatid ko na lang daw po kayo sa penthouse. Sabi nito kaya naman tumango na lang ako.

Binilisan ko lang ang pagkuha ng gamit ko dahil puro damit lang naman. Nagpaalam na din ako dun sa landlady ko at nalungkot ito dahil nga okay ako na tenant. Halos tatlong taon din ako nakatira sa kanya at ni minsan hindi siya nagkaproblema sa akin.

Nanalo ka ba sa lotto o nakapagasawa ng mayaman Alyssa? Ang gara ng kotse mo eh. Sabi nito kaya natawa ako.

Aling Meding talaga. Company car po yan. Nakahanap ho kasi ako ng mas magandang work. Pabahay na rin kaya ginrab ko na. Sabi ko

Okay yun huh. Ociah magiingat ka. At kung kinailangan mo ulit ng matitirhan balik ka lang. Papalayasin ko yung bago kong tenant para sayo. Sabi nito.

Kayo talaga. Sige po ingat din kayo. Sabi ko dito at umalis na.

Kilala na ako nung bellboy sa hotel kaya naman todo ang ngiti nito ng makita ako. Hinatid ako ni Raffy at may susi pala ito sa preso este sa penthouse kaya naman nakaakyat ako kahit wala si Kiefer.

Kung papapiliin ako mas gusto ko sa bahay tumira. Kasi ang lungkot sa penthouse nito. Wala ka man lang ibang magawa kung di matulog at manood ng tv. Imbes na makapagluto ka hindi rin dahil walang kusina. Ang alam ko sa ibang penthouse kumpleto eh ewan ko dito sa penthouse ni Kiefer bakit parang malaking hotel room lang.

Who the fuck leaked it? Rinig kong sigaw ni Kiefer pagkabukas na pagkabukas ng elevator. Nakatalikod ito sa amin ni Raffy kaya hindi kami napansin pagdating namin.

Nilagay ko na sa room niyo yung luggage niyo ma'am. Una na po ako. Sabi nito at parang si Flash na biglang nawala sa harap ko.

I know people will know but not now. Ano na lang sasabihin ni Paula at family nito? Rinig kong tanong niya sa kausap kaya naman nagkaideya ako na tungkol sa kasal namin ang pinaguusapan nito.

I don't know pero parang may kumurot ng onti sa puso ko pero iwinaksi ko rin agad.

Was it you? Rinig kong tanong nito at nang mapatingin ako sa akin pala ito nakatingin.

Anong was it me? Inis na tanong ko.

Nagkalat na kasal na tayo? Tanong nito.

Excuse me. Sabi ko dito.

Bakit ko naman ipagkakalat na kasal ako sayo? If in the first place ayoko ikasal sayo. Sabi ko dito at lalong sumama ang tingin nito sa akin.

Wala akong pinagsabihan kahit parents ko di alam. Sabi ko sa kanya at mukha naman naconvince ito at umupo sa couch.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon