Chapter 34

3.6K 123 21
                                    

Hinintay ko si Alyssa na bumalik pero after 10 minutes na hindi na ito bumalik I know na bitin na ako kaya nagcold shower na lang ako. Ang galing ng timing, nandun na eh nabitin pa. Malungkot pa dun, paglabas ko tulog na rin ito kaya lumabas ako ng room at tinawagan ko si Von.

O Kief. Parang kagigising lang na sagot nito.

Labas tayo. Sabi ko.

Huh? Inaantok na ko. Sabi nito.

Halika na. Lumabas ka na nandito na ako sa pinto niyo. Sabi ko.

Istorbo. Sabi nito at binaba yung phone.

Tinawagan ko din si Thirdy at Juan at game naman ito. Niyaya ko rin si Daddy at sumama rin ito. Sa baba lang ng hotel kami uminom, pampaantok lang.

Tignan mo yang dalawang yan akala mo mga walang asawa. Sabi ni Daddy sa amin ni Von habang nakaturo kay Thirdy at Juan na lahat na ata ng babaeng dumaan eh tinignan.

Mali tito, akala mo hindi mga takot sa asawa nila eh mga under din naman. Sabi ni Von kaya natawa kami ni Dad.

Ano bang problema at nagpainom ka Kiefer? Tanong ni Dad bigla.

Wala po. Hindi lang ako makatulog pa. Sabi ko.

At nangdamay ka pa. Sabi ni Von.

Wag ka na nga magreklamo, I'm sure gustong gusto mo rin uminom. Sabi ko dito.

Sakto lang. Sabi nito.

Bakit naman hindi ka makatulog? Tanong ni Dad.

Kagigising ko lang po kasi. Sabi ko.

Hindi naman kayo nag-away ni Alyssa? Tanong nito.

Hindi po dad. Sabi ko.

Nagkabalikan na ba kayo ni Alyssa? Tanong ni Von at nagkibit balikat lang ako.

Von nagkaanak ka lang naging tanga ka na. Hindi ba obvious? Tanong ni daddy kay Von at napakamot ito nang ulo habang ako natatawa at yung dalawa ayun busy pa rin sumipat ng mga babae.

Tito sa gulo niyang anak niyo hindi mo rin masabi noh. Sabi ni Von.

Bakit nga ba ang gulo niyo ni Alyssa? Tanong ni dad.

Hindi naman kami magulo. Ayaw niya lang may makaalam na kami na ulit. Sabi ko.

Ay hindi siya proud sayo. Sabi ni Von.

Gago. Sabi ko.

Bakit daw? Tanong ni Dad.

Ewan ko. Nahihiya siguro. Sabi ko.

Kinakahiya ka? Ang sad naman nun. Sabi ni Von.

Hindi ganun. We all know that before siya umuwi she's living with Summer's dad sa states. Eh hindi naman sila nagbreak. Sabi ko.

So pinagsabay kayo? Tanong ni Von.

I don't know. I haven't seen them talking since she came back from Batangas pero 2 days pa lang naman sila nakakabalik. Sabi ko.

Ah rebound ka bro. Sabi ni Von kaya sinimangutan ko to.

Ang gulo niyo. Ikaw ang asawa, bakit mo pinoproblema ang boyfriend. Knowing Alyssa even for a short time, i don't think pagsasabayin niya kayo ng boyfriend niya. Baka nagbreak na sila because she realized she wants to be with you instead. Baka it's time for you to man up and tell her how you really feel para mapanindigan niyi yang kasal niyo. Sabi ni Dad.

Alam mo naman dad how we started, sa papel lang kami kasal. Sabi ko.

But still you're married, saka diba mahal mo naman. Sabi nito.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon