Chapter 26

2.6K 92 15
                                    

Inexplain ko kila nanay yung napagkasunduan namin ni Kiefer pero sa ibang paraan. Since kasal naman kami talaga wala ng nagawa sila nanay. Hindi man sangayon si tatay sa desisyon ko wala na rin itong nagawa kagaya ni nanay.

Sigurado ka ba dyan ineng? Baka naman saktan ka ni Kiefer. Sabi ni nanay.

Hindi naman siguro nay. Saka pwede naman po kayo magstay dito para kasama rin namin kayo ni Summer. Sabi ko dito.

Alam mo naman hindi namin pwedeng iwan ang farm ng matagal. Pwede kaming dumalaw dalaw. Sabi nito. Nakapagpatayo na rin kasi kami ng farm nung nasa amerika ako.

Okay nay. Dadalaw din naman kami sa Batangas para makita din ni lolo si Summer. Sabi ko dito.

Mommy, are we still going to the mall? Pupungas pungas na tanong ni Summer.

Yes baby, we're just waiting for you to wake up. Sabi ko dito.

Bukas pa uuwi sila nanay para makapagbonding kaming apat. Kung paano ko ieexplain kay Summer na sa bahay ng boss ko kami titira hindi ko pa alam.

Inayos ko na yung gamit namin ni Summer sa taas kanina, kinuha ko na rin yung mga padala ko kila nanay saka yung susuotin namin ni Summer kaya naligo na kaming dalawa.

Paglabas namin ng hotel nandun na yung van sa harap at kausap ni tatay si Kiefer. Kinuha niya kasi dito yung valet ticket.

Welcome back ulit ma'am. Sabi ni Raffy.

Thank you Raffy, kumusta ka na? Tanong ko dito.

Okay naman po. Sagot nito.

Nanay ko pala, nay si Raffy. Bodyguard ni Kiefer. Sabi ko.

Good afternoon ma'am. Sabi nito sa nanay ko.

Naku nay lita na lang. Sabi ni nanay.

Si Summer, anak ko. Sabi ko ng mapansin kong nakatingin ito kay Summer.

Hi Summer. I'm Raffy. Sabi nito.

Hi Mr. Raffy. Sabi ni Summer at pinagbuksan kami ni Raffy ng pinto.

Nagulat ako nung sumakay din si tatay sa likod katabi ni Nanay at si Raffy yung sumakay sa driver's seat at tumabi si Kiefer sa akin.

Saan ka pupunta? Tanong ko dito.

Obviously kasama ako. Sabi nito.

You're coming with us Mr. Kiefer? Tanong ni Summer dito.

If it's okay with you. Sabi nito.

I don't mind. Sagot ng anak ko.

Good. And just call me Tito Kiefer. Sabi ni Kiefer.

Okay. Sagot ni Summer.

Tuwang tuwa ang anak ko sa mall. Andami daw kasing kids. Lahat na nga lang nang masalubong nito binabati niya kaya yung mga parents or guardians nung mga bata nacutean sa kanya.

Nung napagod ito nagpakarga kay tatay pero nagvolunteer si Kiefer at pumayag naman si Summer.

Hindi kaya magkaalaman yang dalawa na magtatay sila? Bulong ni nanay sa akin.

Hindi naman ho siguro. Sinabi ko kay Summer patay na daddy niya at si Adrienne na yung papa niya. Sabi ko dahil wala naman talaga akong planong ipaalam kay Kiefer na may anak kami.

Bad yun anak. Sabi ni nanay.

Okay lang yun nay, bad din naman si Kiefer. Sabi ko at natawa ito.

Tay, may gusto ka bang bilhin? Tanong ko kay tatay dahil tahimik ito.

Wala naman neng. Andami mo ng pasalubong okay na yun. Sabi nito kaya umakbay ako dito.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon