Chapter 20

3.2K 96 6
                                    

Nauna na ako umuwi ng bahay kasi nagsabi si Kiefer na hindi niya ako masusundo dahil may biglaang meeting ito pero he'll try to come home in time for dinner kaya naman nagluto na ako ng makakain namin.

After kong magluto wala pa rin si Kiefer kaya naman naisipan kong magshower na lang din muna. I was expecting na paglabas ko ng banyo nandito na si Kiefer pero wala pa rin kaya tinawagan ko ito pero nakaoff ang phone nito.

Nalipasan na ako ng gutom pero walang Kiefer na dumating kaya tinakpan ko na lang yung pagkain na niluto ko at natulog na lang ako. Nagtatampo ako dito dahil hindi man lang ito nagsabi na malalate siya ng uwi. Hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako.

Narinig ko nang dumating si Kiefer pero kahit gising ako hindi ako tumayo para salubungin ito. Nagulat pa nga ako ng nasa harap ko na ito.

I'm sorry. Sabi nito pero hindi ko ito pinansin bagkus tinalikuran ko ito at naramdaman kong umupo ito sa likod.

I know you're mad. Nagkaproblema lang ako kaya hindi ako nakauwi agad. I was about to call you nung marealized ko lowbatt na yung phone ko. Sabi nito.

Wala kayong charger sa office? Inis na tanong ko dito.

Hindi ko na kasi napansin yung oras. Sabi nito kaya umupo ako at humarap dito.

Anong problema mo? Tanong ko.

Work related. Ayoko ng pag usapan dahil lalo lang ako nasstress. Sorry na. Sabi nito.

Kumain ka na? Tanong ko dito at umiling ito.

You? Tanong niya at umiling din ako.

Iinitin ko yung food while you take a shower. You look like a mess. Sabi ko at niyakap ito.

Whatever it is, I'm just here to listen. Kung bigat na bigat ka na you can always share the load. Sabi ko at niyakap din ako nito.

Thank you. Sabi nito.

Sige na ligo na. Sabi ko dito at nginitian ito pero bago ito tumayo hinalikan muna ako.

Iba yung halik ni Kiefer sa akin ngayon there's something behind the kiss kung ano yun hindi ko alam basta alam ko lang iba yun sa mga halik na pinagsaluhan namin before.

Babe gusto mong umuwi tayo ng Batangas ngayong weekend? Tanong nito nung kumakain kami.

Pwede naman. Bakit mo naman biglang naisipan? Tanong ko.

3 months mo na rin hindi kasi nadadalaw sila nanay at tatay I'm sure miss na miss mo na sila. Sabi nito.

Yes. Kung hindi naman masyadong busy ang asawa ko why not. Sabi ko dito.

I'll always find time to give you what you want. Sabi nito at medyo kinilig ako.

Talaga lang huh. Pero hindi ako natawagan na malalate umuwi. Sabi ko nagtatampo tampohan.

Sorry na. I promise to make it up to you. Sabi nito.

Joke lang. I know naman you have your reasons. Sabi ko dito.

Tinulungan ako ni Kiefer na magligpit ng pinagkainan namin. Tapos nagpahinga muna kami dahil nabusog kaming pareho at baka bangungutin kami pag natulog kaming dalawa.

Late na. Siguro pede na tayo matulog. Sabi ko dito.

Diba may usapan tayo tonight? Tanong nito at napatingin ako dito.

Anong usapan? Tanong ko.

That we will make babies. Sabi nito kaya natawa ako.

You need to rest. Diba stress ka. Sabi ko dito.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon