Chapter 22

3.1K 102 19
                                    

Since ito yung gusto ni Kiefer, hinayaan ko siya but after last night, everything changed. Lumipat ako ng kwarto, hindi naman niya ako mapipilit kung ayaw ko siyang katabi matulog o kahit makita lang. Saka masakit yung sinabi niyang he paid me to be his wife. So all this time yun pa rin ang nasa isip niya na bayad ako.

Weekend ngayon kaya wala akong balak lumabas ng kwarto ko pero wala pala akong choice kasi nagugutom ako saka yung damit ko nasa kwarto pa ni Kiefer.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Kiefer sa couch, nanonood ito ng TV pero hindi ko ito pinansin. As if wala siya dun. Nagluto ako ng pagkain ko, hindi ko na siya kailangan ipagluto kasi pwede naman siyang umorder sa room service. Kumain akong mag-isa at pagkatapos ko magligpit ng pinagkainan ko pumasok ako sa kwarto niya para kunin yung gamit ko.

Yung mga gamit na akin lang at binili ko lang ang dinala ko. Lahat ng binili niya sa kanya na. Iniwan ko rin sa kwarto nito yung wedding ring at engagement ring na binigay niya sa akin. Pati yung atm na binigay niya.
Paglabas ko hilahila ko yung maleta at nagkasalubong kami ng tingin saka ito tumingin sa maleta ko kaya bago pa ito nagsalita. Nagsalita na ako.

Hindi ako aalis kasi may kontrata tayo at bayad ako. Sabi ko dito bago ako pumasok sa kwarto ko.

Inayos ko yung mga damit ko at habang nagaayos ako ng gamit hindi ko napigilang maiyak. Hindi ko maintindihan sa mata ko, wala naman dapat akong ikaiyak pero iyak siya ng iyak.

Naisipan kong lumabas na lang muna. Masyadong maliit yung bahay para sa amin ni Kiefer at nasusuffocate ako. Paglabas ko nandun pa rin si Kiefer sa sala.

Where do you think you're going? Tanong nito kaya lumingon ako sa kanya.

Pwede naman siguro ako lumabas, hindi naman kasama sa contract natin na dito lang ako sa bahay. Sabi ko dito at hindi ko na hinintay sumagot ito at pumasok na sa elevator.

Wag kang magalala, hindi ako aalis kasi may kontrata tayo diba at bayaf ako. Sabi ko dito bago sumara yung pinto ng elevator.

***

Pagkasarang pagkasara ng pinto ng elevator binato ko yung flower vase na nasa center table. I feel so stupid. Instead of explaining to Alyssa pinilit ko itong magstay dahil may kontrata kami. At kung ano ano pang masasalitang salita ang nasabi ko dito.

I wanted to talk to her pero umurong yung dila ko nung lumabas siya ng kwarto niya. Hindi ako nakatulog kagabi kasi natatakot ako na baka pag gising ko wala na si Alyssa.

Yes Raffy? Tanong ko.

Ayaw po magpahatid ni ma'am kaya sinundan ko na lang. Sabi nito.

Okay. Let me know kung saan pupunta. Sabi ko dito.

Copy Sir. Sabi nito at binaba na rin yung phone.

Pumasok ako sa kwarto para maligo sana pero nagulat ako na maraming gamit pa rin ni Alyssa sa walk-in closet pero lahat nang nandito yung gamit na binili ko. Yung mga gamit na dala niya wala na. Nakita ko din sa ibabaw ng dresser niya yung wedding at engagement ring niya kaya napasuntok ako sa salamin sa dresser niya.

Yesterday was different, we were happy pero ngayon halos isuka ako ni Alyssa. Mas masakit pa yung nararamdaman ko ngayon kesa nung iniwan ako ni Paula.

Nakita kong nagdudugo yung kamay ko pero wala akong sakit na nararamdaman dun nasa dibdib ko yung masakit. Hinugasan ko yung kamay ko para lang matigil yung dugo. Tinanggal ko rin yung broken glass saka ko binalot ng bimpo yung kamay ko.

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng alak. I don't want to go out. Mas gugustuhin ko ng malasing dito sa bahay kesa sa labas. Nakakalahati ko na yung bote na ng alak pero nararamdaman ko pa rin yung sakit. Nataranta pa ako nung magring yung phone ko sa pagaakalang si Alyssa yun pero nang makita ko kung sino yung tumatawag lalong naginit yung ulo ko.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon