Chapter 2

3K 97 6
                                    

Masakit ang ulo ko ng magising ako kinabukasan. Ito na nga ba yung sinasabi ko lagi bakit naiinis ako kay Mike nung pahintuin niya ako uminom. Kung dati sanay ako uminom ngayon para kong first time malasing.

Ang sakit ng ulo at buong katawan ko at ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Patayo na ako ng biglang di ako makatayo dahil may nakaharang sa tyan at legs ko kaya ganun na lang ang gulat ko ng makitang may katabi pala ako at lalo akong nagulat ng makitang boyfriend ni Kobe ang nasa tabi ko.

Shit shit shit. Alyssa. Sabi ko sa sarili ko. Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap nito sa akin at napamura pa ko lalo ng marealized ko na wala akong suot na kahit ano.

Shit Alyssa, magpapavirgin ka na lang sa bakla pa. Sabi ng isip ko. Dahan dahan ako naglakad palabas habang hinahanap yung damit ko. Agad kong sinuot yung panty ko ng makita iyon. Kakasuot ko lang ng dress ko ng biglang bumukas yung elevator. Kinabahan ako na si Kobe yun kaya naman nakahinga ako ng maluwag na babae yung nakita ko at nginitian ito. Nakatingin lang ito sa akin.

Good morning. Bati ko dito.

Hi. What are you doing here and who are you? Tanong nito.

Alyssa. I'm Kobe's friend. Can you please not tell him I slept with his boyfriend. Sabi ko at kitang kita ang gulat sa mukha nito kaya nahiya ako.

Please. Pagmamakaawa ko dito at tumango tango lang ito.

Thanks. I have to go. Sabi ko dito at tuluyan ng lumabas sa penthouse ni Kiefer.

Nagtaka ko na ang tagal ko na sa elevator pero hindi naman ito gumagalaw at biglang bumukas ulit. Tatanong ko sana dun sa babae kung bakit pero wala na ito kaya lumabas ako at hinanap yung fire exit na sinasabi ni Kiefer kagabi at nakita ko naman kaya lumabas na ako at bumaba saka ko narealized na naiwan ko yung cellphone ko sa room nito.

Shit shit shit talaga. Binubuksan ko yung fire exit para bumalik sana pero locked na ito. Puro palabas lang ata. Pag minalas ka nga naman nawala na nga pinakaiingatan ko pati cellphone ko nawala na rin. Haay.

I decided to stay in my room na lang para makaligo na rin dahil nanlalagkit na ako. Naisipan kong magbabad sa tub dahil nga sore ako baka kahit papano maibsan ng init ng tubig ang sakit ng katawan ko.

Pumikit ako habang nakahiga sa bathtub at unti unting nanumbalik ang alala ng mga nangyari kagabi.

Kobe, i need to go. Inaantok na ako. Sabi ko dito.

Are you sure besh? You want me to take you to your room? Tanong nito. Nasabi ko kasi na dito ako sa hotel nakastay.

Wag na, baka lalong magtampo sayo si Kiefer niyan. Sabi ko.

Ikaw kasi eh. Kasalanan mo inagaw mo ang atensyon para sa baby ko. Sabi nito kaya tawang tawa ako.

Kaya nga I'm leaving na para naman magkaron na kayo ng time. But I wanna thank you for tonight. I really enjoyed sayang lang pareho tayong girl at naunahan mo ako kay Kiefer. Sabi ko kaya tawang tawa ito.

Yes. I'm attracted to Kiefer ng slight. May pagkasuplado na beki kasi ito kaya hindi halata na beki. Unlike Kobe na friendly. Sayang talaga silang dalawa kasi ang gwagwapo.

Hoy besh nagdaydream ka na dyan. Sabi ni Kobe sa akin kaya natauhan ako.

Sige na kobe. Nice meeting you. Sabi ko dito at hinatid lang ako nito papasok sa hotel.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Kiefer dahil sabi ni Kobe nagcr daw ito.

Pagpasok ko ng lobby saka ko lang naramdaman na ihing ihi na pala ako saka nahihilo din ako kasi parang ang liwa liwanag masyado dito.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon