LORELEI SISON
Nagising ako sa alarm ng tita ko na katabi kong matulog dito sa bahay ng tatay ko. Naka-ilang inat ako bago ako tumayo at nag-ayos ng gamit.
Sinabihan ako ng lolo ko na kumain na muna ako ng agahan bago ako umuwi sa bahay ng nanay ko para maligo nalang daw ako. Pagbaba ko ay nakita ko yung ulam. Maling tapos eggs. YEHEY.
Pagkatapos kong kumain, hinatid na ako ng lolo ko at nakauwi ako sa bahay ng nanay ko by 5:55am. Agad akong naligo at nagbihis. Natapos ako ng 6:30 at hinatid na ulit ng lolo ko sa School.
First Period, we took a quiz na sobrang hindi ko alam kung anong gagawin. In the end I got 8/20.
And then lumabas kami ni Beshog para hanapin si Ma'am White at nang masimulan na namin yung Newspaper. Nagpaalam kami kay Ma'am Martino at lumabas na kami ng classroom. Nagpunta na kami doon kasama ng iba pang Marian Bulletin Members.
Gumawa kami ng articles at nag-isip pa ng ideas for other possible articles. I thought of suggesting some, but Ma'am White said na baka hindi i-approve ni Sister Yohlee.
Then later, lumabas kami ni Kuya Lester to buy slurpee. I bought siomai as well para hindi naman ako puro inumin. We joined Beshog, Peter and Juliana who were eating at the Centennial Stage, and then bumalik na kami sa Library.
Later on, i proceeded with my Youth Congress Article. Kaso, nakalimutan ko yung name nung priest na nag-officiate ng mass nung start of the program kaya I went down and asked Sir Don. Sabi niya hindi rin niya alam. Tinanong ko na rin si Anicetoh nang makita ko siya sa library, hindi rin daw niya alam. So in the end I chose not to include it since hindi natin sure.
Hindi naman kasi ako nakikinig nung Youth Congress.
And then after lunch time, nakasalubong ko si Ma'am Joson and she reminded me that I needed to submit my record so I got my book and filler sa classroom and went to the library at doon ginawa yung record, since I'm done with the Youth Congress Article. Kuya Lester suggested that we go and drink coffee and sumama ako along with Bella and Peter.
Doon kami sa labas at uminom kami ng kape habang umuulan. Si Kuya Lester naman pumasok agad at nagulat pa sa mga kulog.
Pumasok na kami ng English Time at sumama sa kanila na mag-shoot ng Chamber Theater. Umakyat rin ako para tumulong sa Poster namin.
And Dismissal Time, pupunta sana kamk sa STEM Lab para mag-present ng Design Brief pero may mahabang pila sa labas. Balak pa naman sana naming umuwi ng maaga. So we decided to finish and present it tomorrow nalang. And then palabas na ako at nakasalubong si Kuya Patrick sa may labas ng Faculty Room.
"Pasalubong ko?" Tanong ko.
May kinuha siya sa paperbag niya. Binigyan niya ko nung Lenggua. Nung una akala ko nagjojoke lang siya pero legit daw. Edi nag-thank you ako at lumabas na ng School.
By the way, binigyan ako ng Tita ko ng National Book Store GC worth P100. I will buy Project Loki sana today, but hindi ko pa alam kung makakapunta ako ng SM.
Mabibili ko kaya yung libro?
Abangan sa susunod na kabanata.
****
YOU ARE READING
Déshavu
Rastgelehi we are the shogs and we have inom inom shabu (lol sorry sorry :tumawa ang nakakarelate:)