Okay maglalabas lang ako ng Saloobin kasi araw-araw binabalita ko 'to sa training at kakanood ko lang ng balita.
Anong klaseng edukasyon ang pinapatupad nila sa pinas?
First of all, bakit naman kayo magtuturo ng Korean Language sa Highschool?
Wow, ikauunlad ba ng Pilipinas iyan? Yes, partly. Pero wow. I don't see a big necessity. I mean, hindi naman totally kailangan ituro iyan kasi kung may mga gustong matuto, pag-aaralan talaga nila yan. NAGEGETS NYO BA KO HAHA. HINDI NAMAN "KAILANGANG KAILANGAN" ITURO.
Ang daming Pilipinong hindi marunong gumamit ng tamang pananalita (kabilang ako don hehe)
Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ng CHed at sisingitan nila ng pakemerut na ganyan ang sistema ng edukasyon. Kase ang weird talaga. Bakit sila maglalagay ng Korean looool HINDI KO TALAGA GETS AHAHHAHA.
Bakit? Pag lumabas ba tayo ng eskwelahan at nakipag-usap sa mga tao, kapag ba bibili ka ng pagkain tatanungin mo ba yung tindera ng umsikeun isseoyeo SYEMPRE HINDE DIBA AHAHAHAHA
MAGULAT KA NALANG MAG ANNYEONGHASEYO YUNG MGA TAO BIGLA SAYO.
SOBRANG WEIRD LANG TALAGA.
TAPOS TATANGGALIN NILA YUNG FILIPINO AT PANITIKAN SA COLLEGE WOOOOOW POTEK MGA BOBO BA KAYO SINONG NAG-ISIP NG IDEYANG YAN.
Hello? Gamitin ba namang excuse na, dahil tinuturo na mula Kinder hanggang SHS ang Filipino.
Eh bakit? Tinuturo din naman yung ibang subject mula k hanggang 12, tinanggal nyo ba? HAHHAHAHAHAHA. Ang bobo niyo, wika pa talaga natin tinanggal nyo. Ang daming taong hindi marunong ng maayos na pananalita, ang daming taong walang kaalam-alam sa panitikan at kultura ng Pilipinas.
Siyempre minsan hindi magagamit yun sa trabahong tatahakin kasi, alangan namang gumamit ka ng traditional Filipino herbal spices at dahon ng saging kapag nag-doctor ka, PERO KAHIT NA?? AT LEAST NAKATULONG KA SA EKONOMIYA NG PILIPINAS AT MAY ALAM KA TUNGKOL SA LUPANG SINILANGAN MO?
Ang gara talaga ng reasoning na, kaya tatanggalin ang Filipino sa College is because naturo na siya hanggang Senior High. Eh puta, anong purpose ng learning diba. Bakit, hanggang Senior High nalang ba pwedeng matuto tungkol sa bansa natin? Kapag ba nakapagtapos ka na ng SHS, tapos na rin yung learnings mo tungkol sa Pilipinas? LOL WHAT? BOBO?
At tsaka ang dami daming asignaturang pwede niyong ialis sa sistema ng edukasyon sa kolehiyo, BAKIT FILIPINO PA? HELLO? AYOS LANG KAYO? HINDI NAMATAY SILA JOSE RIZAL PARA DITO MGA BOBO KAYO.
Huhu, Pilipinas anong nangyayari potek mula sa pagbabago ni Sotto ng Lupang Hinirang hanggang dito.
Because whaaaat sino nagbigay sayo ng karapatan na baguhin ang Linya sa Lupang Hinirang? Sino nagbigay sayo ng karapatan baguhin ang pambansang awit na isinulat noong Mil diyes i otso? Porke senador ka? Ulol panget mo. Senador ka lang. Di ko nga alam kung may naiambag ka man lang para mapaunlad ang Pilipinas. Sana pinagtanggol at ipinaglaban mo muna yung kalayaan ng Pilipinas bago mo baguhin yan.
Dami dami mong pwedeng baguhin, talagang Lupang Hinirang pa pinili mo. Pwede mo namang baguhin yung sistema ng edukasyon, tutal senador ka naman. Pwede mong baguhin yung daloy ng trapiko, yung implasyon, yung agrikultura, yun yung mga trabaho mo kaya wag mo pakialaman yung Lupang Hinirang utang na loob kasi hindi mo ikina-cool yon. Gamitin mo sa tama yung katungkulan mo sa Pamahalaan ng Pilipinas hindi yung pinagtutuunan mo ng pansin yung mga bagay na hindi naman dapat pinapakialaman.
De. Sa panahon kasi ngayon hindi mo na kailangan mamatay para sa bayan kaya yon papalitan.
Ahh, so isinasa-walang bahala mo yung sakripisyo ng mga ninuno mo? Excuse me tol namatay si Rizal para sayo. Sinulat niya yung Noli at Fili para sayo. Ang kapal ng mukha mo brad. Sana next year wala ka na sa pwesto. Don ka na sa Eat Bulaga at doon mo ipagmalaki lahat ng mga nagawa mo para sa bansa natin.
Ops, meron nga ba
BYE AYOKO NA AHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA NATATAWA NALANG AKO SA SARILI KO AHAHAHAHAHHAHAHAHAHA.
YOU ARE READING
Déshavu
Randomhi we are the shogs and we have inom inom shabu (lol sorry sorry :tumawa ang nakakarelate:)