Gabi na nang makauwi si Glamiela sa kanyang tahanan at nanginginig sa lamig dahil, naabutan siya ng malakas na ulan sa daan. Pagbungad niya palang sa pinto, sinalubong kaagad siya ng nakababata niyang kapatid na si Dejaneah. Ito ang bunso sa kanilang dalawang magkakapatid.
" Oh, my look at you! Para kang basang sisiw sa lagay nayan. Saan ka ba nagpupunta palagi?" sita nito habang inaabot sa kanya ang tuyong tuwalya.
" I'm not in the mood to argue with you right now." walang gana niyang tugon dito na di pinansin ang inaabot nitong tuwalya, saka mabilis na tumalikod papasok sa kanyang kwarto. Napailing na lang ang kanyang kapatid sa turan niya dito.
Nang mapag isa siya sa kanyang kwarto agad niyang tinungga ang isang bote ng tequila para makaraos sa ginaw na nararamdaman. Nang maramdaman ang init sa kanyang lalamunan na dulot ng alak agad siyang napa upo sa gilid ng kama, kahit na basa pa ang kanyang mga damit.
Muling dumaloy ang kanyang mga luha at pakiramdam niya ay naninikip ang kanyang dibdib na kanina pa gustong sumabog sa sakit na nararamdaman.
" Why did you left me so soon. Asawa mo ako at wala kang karapatan na iwan ako na walang paalam." muli niyang pangungusap habang inuubos ang isang bote ng alak. Halos paubos na ang tequila subalit, wala pa rin itong epekto sa kanyang sistema. Samantalang dati ay isang shot lang ng tequila sa hospital na ang bagsak niya.
Hanggang bumalik sa kanyang gunita ang nakaraan..........
Natuon ang atensyon ni Glamiela sa gawing kaliwa kung saan may kausap na ibang babae si Zhion. Nagtaka siya kung bakit nandoon ang kanyang asawa at nagdala pa talaga ito ng babaeng malandi. Gusto niyang sugudin ang dalawa at sabunutan ang Babae, na animo ayaw mawala si Zhion kung makakapit dito.
Mas lalo siyang nainis dahil parang gusto ng kanyang asawa ang pagkakahawak ng babae sa kanya. Gusto niyang sugudin ang dalawa ngunit, pinigil niya ang kanyang sarili na wag mag iskandalo sa oras ng kanyang trabaho.
" Ang sarap talagang sabunutan ang malanding babae na yan! Grrrrr!!!" Gigil at napalakas niyang pagkasabi dahil narinig ito ng kasamahan niyang bartender.
"What did you say?" Kunot noong tanong nito.
" Never mind Lhucaz." Sabay tungga sa isang shot ng inumin.

BINABASA MO ANG
Memoir Love Rewind
RomansaPaano kung ang taong mahal mo ay di mo nakikilala dahil sa ibang anyo nito. Will you able to recognized that person? Or Will your heart know? What does our heart know that cannot be seen by our own eyes? Will you listen to what your heart is tryin...