Chapter 13

22 11 0
                                        

Alas kwatro na nang umaga ng dalawin ng antok si Glamiela dahil sa kakaisip sa mga sinabi ni Blake at sa mga nalaman tungkol dito galing kay Brylleeh.Halos dalawang oras palang siyang nakatulog ng marinig niya ang malakas na sigaw ng kapatid na animo may sunog.

" Ate my bisita ka dalian mo!!!"

Kahit na tinatamad pa bumangon, ay pinilit niya ang sarili dahil naririndi na siya sa boses ng kanyang kapatid.

"Ano ba Janeah! Ang aga- aga ang ingay- ingay mo.!" inis na inis niyang saway sa kapatid habang nakapikit pa rin ang mga mata.

" May bisita ka nandito si Mr. guy mo." wika nito na halatang kinikilig.

Napamulagat ang kanyang mga mata sa narinig. Magtatanong pa sana siya kung sino ang tinutukoy nito pero sa harapan na niya pala ang lalaki at titig na titig ito sa kanya na tila naamuse.

Di niya malaman ang gagawin kung tatakbo ba siya pabalik sa kanyang kwarto o hilingin na malusaw sa harapan nito. Huli na ng marealized niya na nakasuot lang pala siya ng black underwear at pink top na halos labas ang kanyang pusod. Sabog din ang mahaba at wavy niyang buhok na parang sinabunutan siya.

   " Oh, siya maiwan ko muna kayo." paalam ni Dejaneah na di man lang siya tinulungan upang makapasok ng kanyang kwarto para makapagbihis.

Naiwan siyang paralisado sa kanyang kinatatayuan.

           " You look so stunning!" Di mapigilang paghanga ni Blake habang titig na titig sa kanya.

Nag- init ang magkabilang pisngi niya sa narinig.

          "What....are...you.. doing here?" pautal- utal na tanong niya sa binata.

           " I came here to apologize for what happened last night. I didn't mean to...."

           " It's OK! No need to worry about it. You can leave now." pagputol niya dito dahil parang matutunaw siya sa mga tingin nito.

          " I wanna talk to you in a private place. Can you please come with me. Or I'll wait for you by the seashore.. Please." nagmamakaawang pakiusap nito.

Wala siyang maapuhap na sagot dito, kaya mabilis siyang tumalikod upang pumasok sa kanyang kwarto. Nakita niya ang pananamlay ng mga mata nito.

       " Wait! Caliente el hombre. Have a sit. I made some grapefruit juice for you." pahabol na wika ni Dejaneah.

Napatigil si Glamiela at bumaling sa kapatid. Tiningnan niya ito ng masama upang pauwiin na ang binata. Pero parang walang nakita si Dejaneah sa kanyang ginawa.

       " You know mister gwapo. Pagpasyensyahan mo na ang ate ko, kasi may buwanang dalaw yan palagi." Dejaneah said while putting her hands around him.

        Dahil sa ginawa nito, mabilis siyang pumasok sa kanyang kwarto at narinig niyang tumawa ang dalawa.

         " Aba! mga ipokritang yun may gana pa talagang tumawa. Bakit nagkasundo ang dalawang shokoy na yun? Yari ka talaga sakin mamaya Janeah!" Inis niyang sambit saka humalpak sa kama.

Tinabunan niya nang unan ang kanyang mga tainga upang, di marinig ang anumang usapan ng dalawa. Dahil alam niya na puro kalandian na naman ang pinapairal ng kanyang kapatid.
         

Memoir Love RewindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon