Naalimpungatan si Glamiela sa lakas nang tunog ng kanyang cellphone. Nakatulog na pala siya sa pagbalik gunita sa kanyang nakaraan. Natuyo na rin ang basa niyang damit na suot pa rin niya.
Pinatay niya nang mariin ang kanyang cellphone at bumalik ulit sa pagtulog. Wala pang isang minuto, ang nakalipas, ay muntik na siyang mapatalon dahil, sa lakas ng katok ni Dejaneah.
" Ate get up!" Kailangan mo daw makipagkita sa abogado mo para mapadali at may lead na daw kung sino pumatay sa asawa mo." Nabuhayan siya ng lakas ng loob dahil sa narinig.
That is the only reason kung bakit kahit ilang beses na gustong- gusto na niyang mawala sa mundo, ay para mapakulong at mapagbayaran ng kung sino man ang gumawa nito sa kanyang asawa.
Nairita siya dahil sa patuloy na pagkatok ng kanyang kapatid. Binato niya ng bote ang saradong pintuan para tumigil ito. Narinig niyang kumaripas ito ng takbo palayo sa kanyang kwarto.
Dali- dali siyang naligo at nagbihis at di na pinag abalahang suklayin ang kanyang buhok.
" Ate... I made you breakfast. Have a sit and I'll prepare it for you. malambing na wika ni Dejaneah na parang wala lang dito ang nangyari kanina. Ito ang pinaka sweet at maalalahanin sa kanilang magkapatid. Di man sila parati magkasundo pero alam niyang mahal siya nito.
" Sarap sana magluto may pagkaluka- luka nga lang." Sa isip- isip niya.
" OK, I'll grab a bite." sagot niya dito dahil ilang araw na siyang di kumakain at kumukulo na rin ang kanyang sikmura, saka umupo sa silya.
Matamis na ngumiti ang kanyang kapatid pero agad ding napawi ng makita ang sitwasyon ng kanyang buhok.
" Don't tell me your going to meet the lawyer looking like that? Did you...even put shampoo on your hair? Di makapaniwalang tanong nito habang nakapamaywang at inilibot- libot ang mga mata nito na parang isang roller coaster.
" No need. " maikling tugon niya dito saka, mabilis na kinain ang cheese omelet na inihain nito. Di na lang kumibo si Dejaneah sa sagot niya dito.
" Kapangyarihan nang mga diwata ng suklay sana suklayin niyo ang buhok ng ate ko. " halos nakatuwad na dasal ni Dejaneah sa crystall ball na hawak into.
" Your coming with me right?"
Muntik ng mabitawan ni Dejaneah ang hawak- hawak nito ng marinig ang boses niya.Napapailing na lang siya sa pinag- gagawa nito. She doesn't believe in such things like fairy's or elementals, she thinks those are made up illusions.
" Ah...OK...sis.." pautal- utal na sambit ni Dejaneah na halatang nanginginig sa takot at mabilis nitong inilapag ang hawak- hawak nito.
Habang hinihintay ang kapatid sa loob ng sasakyan, di niya napigilang tumingin sa salamin ng kanyang sasakyan. Sa loob ng ilang buwan malaki na ang pinagbago niya nabawasan na rin ang kanyang timbang dahil, palagi wala siyang ganang kumain. Namumusok na rin ang kanyang mga mata bigla, siyang napatigil dahil naalala niya ang lalaki sa tabi ng dagat kahapon. She really thought, she knew him pero di niya matandaan kung sino at saan niya ito nakilala. Pilit niyang iwinaglit sa isip ang lalaki at mabilis na pinusod ang kanyang buhok kahit na di pa nasusuklay ito.
******
" Ate, please slow down!!! Your not in the race!!" halos pasigaw na paki usap ni Dejaneah habang higpit na higpit ang pagkakahawak nito sa seat beat na suot nito.
Di niya ito pinansin at mas lalong nilakasan ang pagpapatakbo sa sasakyan upang lalong inisin ito.
"Ah!!!!!! I' m going to die! I don't wanna die! Please.... ate gusto ko pang ma meet ang soulmate ko. Hu! Hu! hu!" patuloy na pakiusap nito habang nakapikit ng mariin ang mga mata.
" Relax! Remember I am a trained race car driver." pagmamalaki niyang wika dito habang, pinipigilan niya ang pagtawa dahil sa reaksyon nito. Pakiramdam niya ay nakaganti siya dito sa narinig niyang paraan ng pagdasal nito sa kanya kanina.
" Oh, yeah..remember that is how, you lost your baby from driving so fast!"
Biglang nagpanting ang kanyang tainga sa narinig. Halos 4 na taon na ang nakalipas nang maaksidente siya at nahulog ang dinadala niyang bata sa kanyang sinapupunan.
Napasubsob silang dalawa dahil sa lakas ng kanyang pagpreno.
" Holy! Moly! Mukhang patay na ata ako..hu!hu! Sayang naman tong katawan ko di ko pa nabibigay sa darling ko."
" Stop it! You don't even have scratches or anything!" Galit niyang saway dito.
" Hey, get out of your car!" narinig niyang sigaw habang kinakatok ang bintana ng kanyang sasakyan.
" Ate baka patayin tayo ng nabangga mo....mukhang galit na galit."
" Enough let me deal with this OK! And, will you pease shut your mouth up!!" galit na saway niya sa kapatid.
Nagkunwari naman si Dejaneah na sinasarhan ang mga labi nito na animo may zipper. Tiningnan niya ito ng matalim as a warning. She then, put her purple shades on matching her off shoulder blouse and black tight jeans.
She rolled down the window of her car without hesitation.
" I told you to get out of your car! Look what you've done to my BMW that, I just bought a week ago!" Galit na paninita ng may- ari ng sasakyan na nabangga niya.
Napatigil sandali si Glamiela sa nakita, kung di siya nagkakamali ay ito ang lalaking nakaharap niya sa baybayin ng dagat kahapon. Hinubad niya ang kanyang shades upang mas lalo itong makita.
" Are you deaf or what...?? I have important meeting to do and you just ruined it by smashing my car!" patuloy na sita nito habang naniningkit ang mga mata.
Sa tingin niya ay di siya natatandaan nito. Naalala niya ang ginawa nito sa kanya kahapon at gusto niyang maghiganti sa pakikialam nito. Napangisi siya sa gusto niyang gawin para makaganti dito.
" The nerve!!! you still give me that kind of smile! I am going to call the police and you need to replace my car!" galit na galit nitong banta sa kanya.
Muli niyang isinuot ang kanyang shades at dali- daling sinarhan ang bintana at mabilis na pinaandar ang kanyang sasakyan upang takasan ito.
Di makapaniwala si Dejaneah sa kanyang ginawang pagtakas.
" Ate we're so dead.....Why did you do that to that poor handsome na kano? Sayang napakahunk pa naman, sana pinasakay mo nalang dito. Di niya man lang nasilayan ang kagandahan ko. Wala ka talagang konsensya ate." pagmamaktol nito na kunwari ay umiiyak." Tama lang yun sa kanya pagkatapos ng ginawa niya kahapon!"
"Kilala mo yun?" Gulat na tanong ni Dejaneah at di makapaniwala sa narinig.
" No! But, he did something to me."
" Like what???"
" Enough asking questions OK....and let's forget about it." pag- iwas niya sa tanong nito saka pinihit ng malakas ang volume ng music player upang wag na siyang usisain nito.

BINABASA MO ANG
Memoir Love Rewind
RomancePaano kung ang taong mahal mo ay di mo nakikilala dahil sa ibang anyo nito. Will you able to recognized that person? Or Will your heart know? What does our heart know that cannot be seen by our own eyes? Will you listen to what your heart is tryin...