Chapter18

52 13 8
                                    

Makalipas ang tatlong taon........

"Take one day at a time." naka pikit at pabulong na sambit ni Glamiela habang naka upo sa tabi ng dagat.

Muli niyang nilanghap ang masarap na simoy ng hangin saka ngumiti ng maginhawaan ang kanyang pakiramdam.

Nakabili siya ng resort sa isang isla na medyo malayo sa kanyang pinanggalingan. Ang kanyang kapatid ang katuwang niyang pamahalaan ito. Isa sa mga nagustuhan niya sa Gigantes Island ay ang magandang baybayin dito. Marami rin ang scallops dito na paboritong paborito ng kanyang anak.

She became a successful writer about metaphysical novel. At ilang buwan na lang ay ipapalabas na sa hollywood movie ang una niyang gawang novel. Kaya masaya siya at alam niyang proud sa kanya ang kanyang asawa saan man ito naroroon.

"Mommy I'm hungry. I want some linguini pasta with lots of scallops." malambing na wika ng kanyang anak.

Her deep blue eyes always remind her about something. Ngumiti siya dito at bumaling.

"Ok baby, let's head out to our place." matamis niyang wika dito saka inakay ito na tumayo.

"Wait here baby, I forgot the camera."

"Ok mommy." nakangiting wika ng bata na parang nakakaintindi sa murang edad nito.

Akma niyang inaabot ang camera sa ibabaw ng bato ng may biglang bumangga sa kanya.Tumilapon sa tubig ang camera niya. Agad naman siyang naagapan ng nakabangga sa kanya. Kinapa niya ang kanyang sarili kung buhay pa ba siya at unti- unting minulat ang mga mata. Laking gulat niya sa nakita . Nakasampa siya sa ibabaw ng lalaki at halos isang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha.

"Hi, I'm sorry I was.... running to fast and I didn't notice you right away." paliwanag nito na halatang na aamuse sa kanya.

Nanlaki ang ang kanyang mga mata at pinilit ang sarili na bumangon.

"Oh, sorry." sabi nito saka tinulungan siyang itaas ang kanyang katawan.

Agad niyang pinagpag ang kanyang sarili at akmang aalis.

"I'm Blake Zhander Mills."kapag kuwan ay wika nito saka inabot sa kanya ang palad nito. Napa tigil siya bigla at pinagmasdan itong maiigi. Mukhang hindi siya nakikilala nito. Iba rin ang kislap ng mga mata nito at halatang marami ng babae ang pinaluha. Doon niya nasigurado na ibang lalaki ang kanyang kaharap.

Nang di niya pa rin inabot ang mga kamay dito ay ito na ang kumuha ng kanyang mga kamay.

"What's your name miss beautiful?"tanong nito saka siya kinindatan ng pilyo.

"Hey mommy, are you ok? narinig niyang tanong ng kanyang anak di niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanila. Bigla siyang kinabahan para dito.

"Yes baby... mommy's ok." Saka akmang inakay ito pero agad ding napansin ang lalaki na kausap niya.

"Hi what's your name princess?" tanong nito ng makitang ngumiti ang batang babae sa kanya.

" I'm Cyzx." agad nitong tugon, habang nilalaro ang mga kamay niya.

"How old are you?"

" I am 3 years old."

Dali- dali niyang inakay ang kanyang anak upang di na ito intrigahin ng kanilang kaharap. Di ma ipag kakaila ang malaking pagkakahawig nito sa kanyang anak. Nakuha nang kanyang anak ang mga asul na mata nito pati narin ang kulay ng kanyang buhok even, her smile. Natatakot siya na baka malaman nito ang totoo.

"Miss beautiful, I hope to see you again here and of course, you princess." Pahabol na wika nito ng makatalikod sila.

Agad ding kumaway ang kanyang anak bilang tugon dito.

"Not again!" na isambit niya habang nagmamadaling lumayo sa lugar na yun.

Nakagat niya na lang ang ibabaw ng labi niya ng maalala ang mga sandaling ginamit nito ang katawan ng kanyang asawa.



Memoir Love RewindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon