Chapter 1

51 11 0
                                    

He:

"You brought me back to life and without doubt I would use my last breath to say I love you. Kahit, san man ako dalhin ng tadhana, a part of me will always be with you."

Papalubog na ang araw subalit nandoon pa rin si Glamiela sa baybayin ng dagat, kung saan siya naninirahan makalipas ang ilang taon galing sa ibang bansa. Habang tahimik na umiiyak at naka masid sa kawalan, mahigpit at mariin niyang hinawakan ang kanyang silver heart necklace na palagi niyang suot.

" Why does it hurt so much...?" tanong niya sa kawalan habang patuloy na umiiyak na animo nagpapakarerahan ang mga patak ng luha nito.

Mugto na rin ang kanyang mga mata dahil ilang buwan na di siya makatulog ng maayos. Ilang buwan na ang nakaraan nang mamatay ang kanyang asawa.

"I just can't do it. I can't live without you anymore. I'm sorry I can't do what you asked me to do." muli ay pangungusap ni Glamiela habang pasinghot- singhot sa panyo na kanyang dala.

Makalipas ang ilang sandali, nagpalinga - linga siya kung siya ba ay nag-iisa sa parte nang baybayin na yun. Ito ang palagi niyang pinupuntahan sa tuwing gusto niyang umiyak o magparaos ng sama ng loob.Isa ito sa liblib na lugar ng Isla, sa pag kakaalam niya, walang ibang taong pumupunta doon maliban sa kanya . Medyo madilim at nakapalibot ang naglalakihang bato sa lugar na yun at marami ding rock formation kaya sa tingin niya ay kakaibang lugar ito. Ito din ang lugar kung saan niya nakitang nakahimlay at wala ng buhay ang kanyang asawa pitong buwan na ang nakalipas.

Nang masiguro na walang nakamasid sa kanya dali- dali siyang lumapit sa tubig dagat. Nanonoot sa kanyang kalamnan ang lamig ng tubig dagat na pakiramdamdam niya, ay kasing lamig nang kanyang puso.

"I know you don't want me doing this... but, I am totally living in hell without you." saka hinalikan ng mariin ang kanyang kuwintas kung saan nakalagay ang ibang parte ng abo ng kanyang asawa.

"I feel, like living a life without a heart ' cause when you left you took it with you." patuloy niyang sambit habang kinukuha niya ang box cutter sa bulsa ng kanyang mini- skirt na naglulutawan ang magaganda niyang hita.

Sinusugatan niya ang kanyang pulso sa bahagi ng kanyang kamay nang may isang malakas na puwersa sa kanyang likuran ang pumukaw ng kanyang atensyon.

Lumipad sa ere ang box cutter dahil, mabilis na inagaw at patilapon na ibinato ng nagmamay- ari ng mga kamay na umagaw nito sa kanya.

Napanganga si Glamiela sa gulat at bilis nang pangyayari. Mabilis siyang bumaling upang harapin at turuan ng leksyon ang sino mang sumabotahe nang kanyang plano sanang pagpapakamatay.

"What the heck!!!!" sabay taas ng kanyang kamay para makipaglaban dito subalit, mabilis din nitong naharang ang kanyang mga kamay.

"Is that how you thanked a man who saved you?" nakangising wika nito habang titig na titig sa kanyang mga mata.

Parang nag- aapoy sa galit si Glamiela sa kanyang narinig kahit na mala adonis pa ang kanyang kaharap.

A man standing five feet and nine inches tall with blonde hair, deep blue eyes, broad shoulder and a body that would make any woman go crazy over him. Ngunit tila wala itong epekto sa kanyang sistema sa mga sandaling iyon .

Malakas niyang binawi ang kanyang mga kamay na hawak pa rin nito subalit, mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Let me go!!! or I would do something crazy like believe me!!!" pasigaw na banta niya dito.

"Oh, really... like what.. biting me...? You still look amazing...even with your eyes looking so pluffy and angry." he said softly in a teasing tone of voice.

Napatitig nang masama si Glamiela sa malalim at magagandang mga mata nito na may halong banta. Time ceased when their eyes met and locked their gazed at the moment.

Dali- dali niyang binawi ang mga tingin  dito na tila napapaso because,a wave of nostalgic feeling suddenly blew in the wind while looking at those beautiful yet, mysterious eyes.

"You, can't resist me do you?" muli ay tuya ng binata na parang tinatago ang pagka amuse nito sa kanya.

" At talaga pang may ganang magbiro ang mukong nato". gigil na sambit ng kanyang isip.

Pero bakit parang pakiramdam niya ay gusto niya ang mga hawak nito? Samantalang he is a total stranger to her at nag-iisa siya at wala siyang kalaban - laban kung sakaling gawan siya nito nang masama.

Biglang nagtaasan ang mga balahibo niya sa isiping iyon at natatawa siya sa kanyang sarili dahil natatakot siya na gawan nang masama nito samantalang kanina lang gusto niyang mamatay.

"Because he is irrestible isn't he?" tukso ng kanyang isip.

Napailing na lang siya sa isiping yun at bigla niyang inapakan nang ubod lakas ang mga paa nito upang bitawan ang kanyang mga kamay at maka alis na siya sa pagkakahawak nito.

"Ouch!!! I can't believe you actually did that !!" malakas na sigaw nito na halatang nasaktan niya sa kanyang ginawang pag- apak dito.

Mabilis na tumakbo si Glamiela upang di siya maabutan nito.

"Wait..!! Damnit!!" pasigaw na habol nito sa kanya na mas lalong nagpabilis ng kanyang pagtakbo na walang lingon likod dito.

Kailangan makalayo siya sa lugar na yun at di siya maabutan nito. sa isip isip niya. Biglang may kakaibang naramdaman siya para dito. Pakiramdam, na di nya lubos na maipaliwanag.

Memoir Love RewindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon