(balik na naman ang eksena kay Irene at Jess. Another day)
Irene: sus! Ever hindi ko talaga magugustuhan ang lalaking iyon. Kahit pa siya si superman, si batman, si robin o si hulk, kebsss!
Jess: hay naku Irene. Huwag magsalita ng tapos. Hindi natin alam, baka ligawan ka ni Drake at naging persistent siya sa panliligaw, baka ma’inlove ka. Ayyeee!
Irene: ako? Eeew! (tumingin sa kalangitan)Lord, huwag naman sana siya ang prince charming ko. Kasi Lord hinding-hindi ko talaga siya matatanggap.
Jess: whatever Irene. Basta pag linigawan ako ni Drake, ayyyy naku! Sasagutin ko siya.
Irene: hala sige. Pairalin mo katangahan mo. Tingnan lang natin kung hindi ka lumapit sa akin na luhaan pag naging kayo.
Jess: suportahan mo nalang nga ako friend. Ano ka ba?
Irene: Jess, hey! Do you see what I see?
Jess: ano?
Irene: si Louie. Oh my gosh! Do I look okay??
Jess: tingan mo to. Parang kung sino makapagsalita sa akin kanina, ngayon ikaw lang din pala tumutukoy sa sarili mo. Haaay!
Irene: alam mo Jess, hindi naman kasi kapareho si Drake at Louie. Kung si Drake, eh parang Unggoy, siya naman, isang rabbit. Napaka’cute. At tsaka, matalino pa siya. Eh yung Drake mo? Wala yun! Hindi yun uubra kay Louie.
Jess: hoy! Grabe ka namn makapang lait!