MKAMB-13 inlove na nga si DRAKENRIQUE! at ano nga ba meron sa puntod?

63 1 0
                                    

Nang makarating kami kung nasaan si Maam, dali-dali na kaming umalis. Sumakay ako sa motor ni Drake. Seryoso mukha niya. Seryoso din ako. Walang imikan. Walang nagsasalita. Nakakabinging katahimikan. May dinaanan muna kami ni Drake. Wala pa ring imikan. Nakrating kami sa isang sementeryo. Pang first class. Lumapit kami sa isang lapida.

Drake: Lola, si Irene nga po pala.

Nabigla ako. Lola pala niya.

Irene: hello po Lola! Kumusta po? (I smiled to Drake)

ako po, okay lang po. Si Drake po kumusta? Okay lang naman po siya. Mabait naman pala itong apo n’yo.

Nakatitig lang si Drake sa akin at nasisiyahan sa aking ginawang pagkausap sa patay.

Alam n’yo po, maswerte kayo kasi may apo kayong katulad ni Drake.. kaya nga lang, lumalabas talaga ang kasungitan ng lalaking ito.

Drake: La, punta na po kami. Ipinakita ko lang po siya sa’yo.

Irene: ha?

Drake: tara na!

Flashback:

Lola: happy 14th birthday Drake.

Drake: thank you Lola. Ummm, where’s mom and dad?

Lola: naku apo, nag out of field daw sila sa work. Tayo lang dalawa ngayon.

Drake: talaga po? Sayang po naman.

Lola: okay lang yan apo. Ito apo. Regalo ko sa iyo.

Drake: wow! Gitara! Lola, salamat po.

Lola: your welcome. Apo, pag namatay na ako..

Drake: huwag nga po kayong magsalita ng ganyan lola!

Lola: naku! Darating din ako dyan. Gusto ko, pag namatay ako, pumunta ka parin sa puntod ko ha?? Tapos, isama mo ang babaeng iyong minamahal. Ipakilala mo siya sa akin. Kailangan maging close kami.

Drake: lola naman! Sige po. I’ll do that. Pero matagal pa yun.

(namatay si Lola makalipas ang 10 buwan mula nung kaarawan ni Drake. Labis ang pag-iyak ni Drake. Sinabi niya sa kanyang sarili na tutuparin niya ang pangako nito)

Tapos na ang flash back!

Mahal kita, Alam mo ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon