MKAMB-11 Nagkakamabutihan na nga!

47 1 0
                                    

Drake: yes! Wala na siya. Hihi * oh Irene, nasaan na number mo?

May kinuha akong papel sa pitaka ko. Calling card ko.

Irene: oh ito.

Drake:  thank you.

Irene: wow? Ano? Wow! First time ko narinig si Drake Enrique nag thank you. Amazing. Pwede mo bang ulitin yun? Yang slow motion?

Drake: huwag na!

Irene: sige na! please.

Drake: sige na nga! Thank you Irene Dominguez.

Irene: wow! Hali ka! Ililibre kita.

Drake: bakit? Ano meron?

Irene: celebration. Kasi parang bumabait na si Drake Enrique eh.

Drake: haahaha! Shunga ka talaga. Sige.

Kumain kami ng kung anu-ano. Isaw, toron, kwek kwek, pandesal na may palaman, uminom ng gulaman at anu-ano pa. nabusog ako! Masaya naman pala kasama si Drake. Napakasaya! Talagang talaga!

Drake: takaw takaw mo naman! Hahaha! Kung sino man maging boyfriend mo, susuko sa katakawan mo.

Irene: hindi naman siguro. Kasi pag nagka’boyfriend ako, kailangan kilala nya ako. Mula sa pangit na mga gawain at katangian hanggang sa kailaliman ng aking pagkatao. Dapat tanggapin niya ako, dahil tatanggapin ko rin siya kung sino man siya. Diba?

Drake: oo nga naman!

Isang babae na naghihikahos ang tumatakbo patungo sa amin. Si Jess pala.

Jess: hoy babae! Kanina pa kayo hinahanap ni maam. May iuutos daw sa inyo.

Mahal kita, Alam mo ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon