(Fast scenes presentation of happy moments- Friendship to Lovers until slowly everything is falling off and crumpling into pieces)
Lahat ng story, unexpected. Di moa lam, yung tao palang kinamumuhian mo ay makakatuluyan mo ng forever. Na ang taong nang-aasar sayo, eh mahal ka pala. Na kung sino pa yung basagulero, siya pala ang mas nag-aalala sayo at nag prorotekta. Hindi mo alam, sa unti-unti, nahuhulog kana sa kanya. Di mo alam, destiny mo pala siya. Nagbubulag-bulagan ka lang.
(Isang babae ang nagsusulat sa isang diary niya habang may voice over ang nagbabasa sa sinusulat ng babae)
“Dear Diary,
I saw many stars shining so brightly yesterday. Though they are so far, yet there are so close in my sight. Alam mo diary, yung stars daw ang nagtatakda sa tadhana ng bawat tao at bawat isang star ay representante ng isang tao. ‘Saan kaya yung akin diyan?, Saan kaya yung sa kanya? May pag-asa kayang mag meet kami? O kung mag meet man, kalian naman?’. I know destiny has its own time. But when I’ll meet him, please God, give me a sign., Sincerely, Irene”.
Voice Over: hi! Ako si Irene Dominguez. Isang normal at simpleng taong may simpleng pagkatao at may simpleng buhay. Masayahin, palangiti, parang bata kumilos na ‘di naman naayon sa edad ko. Di bale na nga. Ayaw na ayaw ko sa mga taong hambog kung kumilos at astigin pero di naman talaga.”