MKAMB-2 nag meet na sila :))

119 2 0
                                    

Bigla kong narinig ang hiyawan ng mga tao sa campus. Pati na rin ang kasama kong si Jess, bestfriend ko.

Jess: ahhhh!

Ako: Ay! Maryosip anak ng kalabaw. Ano ba jess? Bakit ka sumisigaw?

Jess: tingnan mo oh! Si Drake kasama ng barkada niya. Ang cute cute!

Ako: ano? Sino naman yan?

Jess: ano ka ba? Hindi mo ba siya kilala? He’s Drake Enrique.

Tiningnan ko ang lalaking tinutukoy niya. Biglang humangin ata. Bumagyo at kung ano pa!

Ako: Yan?

Jess: oo.

Ako: Yan talaga?

Jess: oo nga eh!

Ako: Yan gwapo? Eh ang angas nga kung lumakad eh. Parang sino kung lumakad. Hello bulag ka ba??

Jess: hey! I know na ayaw mo sa ganyang mga type na lalaki na para kung sino diyos gumalaw. Pero, aminin mo na. pagbasihan mo nalang sa mukha. Ang gwapo niya.

Tiningnan ko siya at napatitig. Oo nga naman. Gwapo siya. Matangos ang ilong, parang kumukinang ang mga mata, matangkad, swagger kung manamit.

Ako: oo nga naman.

Jess: o diba? Hey Irene. Drake is going towards us. Oh my! He’s gonna ask me out.

Ako: Alam mo, maganda ka sana eh. OA ka lang.

Pahakbang at palapit na papalapit na sila Drake sa amin. Si Jess parang maloloka na sa kasisigaw. Ako naman, wala lang. sino naman siya para tilian diba?? Naku nag titinginan na pala ang mga estudyante sa amin.

Drake: hey Miss. Tae ka ba?

Ako: What? Pardon me?

Drake: I said tae ka ba?

Ako: Hello? Tao ako no. Obvious naman diba?? Ano ka bulag? Huwag kanang pumick-up. Alam ko sagot niyan. “Tae ka ba? Bakit? Gusto kasi kitang ilabas mamaya.”

Drake: oh! Hahaha! Feeling mo naman! Tae ka ba? Ang baho mo kasi! Booooommm!

Barkada: (nagtatawanan!)

Ako: (yan pala gusto mo hap?) ah ganun ba. Alam mo, gwapo ka sana eh.

Drake: no need to tell me. I know it you know.

Ako: Kung hindi ka nga lang naging pangit. Tara na nga Jess. Baka masuntok ko tong mukong na ‘to.

Jess: bye Drake. See you later.

Umalis na kami. Kasi hindi ko matiis ang pagkahambog nung lalaking yun. Ang di ko alam naging laman pala ako ng usapan ng barkada ni Drake.

Mahal kita, Alam mo ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon