A day after noong nagka holding hands kami ni Louie, I saw a letter inside my locker sa classroom. It said:
Dearest Irene,
Love had struck me when I first saw you. The way you talk and how you move have captured my heart. Your smile keeps my worries away. Just a glimpse of your face, my day is complete.
Sincerely,
Drake
What? Si Drake? Akala ko pa naman si Louie. Meron pa pala.
P.S.- sorry for the unpleasing attitude I have shown to you the last time. Hope you can forgive me.
Himala ata? Akala ko hindi makata ang mukong na yon. Pero ang O.A. nya ha? Akala niya ata na magkakabati kami sa isang letter niya? Hindi yata no.
Hindi lang doon nagtapos. Pagkatapos nun, sunud-sunod pa ang pagpapadala ni Drake ng kung anu-ano sa akin. Sa eskwelahan man o sa bahay. Chocolates, Flowers, balloons, pagkain at iba pa. kulang nalang mga confetti para magkaroon ng birthday party. Ewan ko ba! Kahit anong ipinapadala niya, wala akong pake! Siguro, sobrang hate ko lang talaga siya.
Intramurals nun sa school namin. Mayroong student volunteers para kung may estudyante mang mahimatay, masugatan, mahilo, mamutla, mamula, mangitim, mamuti o kung ano pang kulay yan, eh merong aalalay. Isa ako dun.
Sa di inaasahang pagkakataon, nandun pa si Drake. Ang mortal kong kaaway. Mabuti nalang kasali rin si Louie.
Adviser: okay! You shall have your partners.
Kinausap ako ni Louie.
Louie: partner tayo Irene.