CHAPTER FIVE

4.4K 119 3
                                    


"BCM is not doing good anymore, Nic. Malaki na ang pagkakalugi ng kompanya. Napakalaki ng overhead kompara sa kinikita ng planta," malungkot na pagbabalita ng Ate Melissa ni Gannicus. Naroon silang magkapatid sa study room ng bahay nito sa Pasig. Doon siya dumeretso pagkagaling ng opisina.

Bagaman may ideya na si Gannicus ay ikinagulat pa rin niya ang mga narinig. "Paanong nagawang hindi ipaalam ni daddy sa akin—sa atin ang totoong sitwasyon?"

"I guess, ayaw niyang mag-worry tayo. Iniisip niya marahil na kapag nalaman natin, kukumbinsihin natin siyang ibenta na lang ang BCM at magretiro na. But knowing our dad, hindi niya gagawin iyon. Mas gusto niyang sarilinin na lang... maaaring iniisip ni Dad na  makakaya pa niyang ibalik sa dati ang sigla ng kalakalan ng BCM. And I already spoke to Tita Meng at sa accountant natin... at naging emotional sila sa pagsasasabing... hindi gugustuhing isara ni Daddy ang BCM dahil  higit na inaalala niya ang kapakanan ng mga trabahador sampu ng mga pamilyang umaasa rito."

Napahugot nang malalim na hininga si Gannicus. Oo,  alam niyang mahirap bale-walain ang mga empleyado at mga trabahador,  lalo pa't may mga anak  na itinataguyod sa pag-aaral ang mga ito.

"But the fact is... lalo lang nababaon ang BCM," pagpapatuloy ng kanyang Ate Melissa.

Napatingin si Gannicus sa mga papeles na nakalatag sa ibabaw ng study table. "May alam kaya si Mommy sa tunay na kalagayan ng BCM?"

"Maaaring may alam. Dahil pumayag si Mommy na ibenta ang isang property natin sa Carmona para mapondohan ang produksiyon ng planta," patuloy ng kanyang Ate Melissa.

Dumaan ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang magkapatid. Talaga nga kayang alam ni Sonia ang totoong kalagayan ng BCM? Ipinaalam nga kaya ng daddy niya ang totoong sitwasyon? At iyong tungkol sa nagawang kasalanan ng daddy niya... kaya nga kaya iyong ipagtapat ng ama sa mommy niya? Wala siyang ideya. Kahit ang mga kapatid niya ay wala siyang pinagsabihan tungkol sa bagay na iyon. Sinarili na lang niya ang kanyang natuklasan.

"Ano ngayon ang plano mo, Nic?" untag ni Ate Melissa sa nakabibinging katahimikan. "Alam natin kung gaano kahalaga kay Daddy ang BCM. But to be honest, I would rather shut it down soon kaysa lumaki pa ang damage. I mean, hindi naman pupuwedeng tuwing mangangailangan ng dagdag na kapital  o  pondo si Daddy ay magbebenta siya ng ari-arian. Baka magising na lang siya isang araw, ubos na ang mga naipundar niya. Kung inaalala ni Daddy ang mga trabahador, surely, they can apply to and work for other companies."

Mabilis na gumana ang isip ni Gannicus. "Karamihan sa mga trabahador ay mga may-edad na. I doubt na madali silang makakahanap agad ng trabaho. Sina Tita Meng, Tita Christy, nasa retiring age na. Maaari akong mag-absorb ng ilang trabahador at puwedeng irekomenda ko rin ang ilan sa kompanya ng mga brod ko, pero marami pa rin ang mawawalan."

Bigla niyang naisip  si Portia. Paano na ang dalaga sakaling magsara na ang BCM? Aalukin nga rin ba niya itong magtrabaho sa kompanya niya? Naipilig niya ang ulo. "All right, I will find ways and means na maresolba ang problemang ito. Pag-aaralan kong mabuti kung papaano. I still believe na maisasalba pa!"

Napangiti si  Ate Melissa. "Mukhang nagkainteres ka na sa BCM, Nic."

Huminga siya nang malalim. "You know me, Ate. I love challenges. Even if  others  think that BCM is on the losing end, but I woud rather give it a try, my hardest try. Losing is not an option here. BCM is our family business."

"Yeah, you are right, Nic. Bueno pagtutulungan natin. And Getri should know about this.Kailangan din nating kausapin nang masinsinan sina Daddy at Mommy. Ipaalam natin na alam na natin para ma-discuss natin 'yong mga plano at solusyon."

MISS ULTIMATE BELIEVER IN TRUE LOVE (Published under PHR5303)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon