CHAPTER SEVEN

4.6K 114 0
                                    


NAGISING si Portia na tila binabarena ang kanyang ulo. Sapo ang sentidong bumangon siya at dere-diretso sa banyo. "Oh, shit! Late na ako!" bulalas niya nang makita ang maliit na orasang nakasabit sa pinakasalamin ng banyo. "Alas-diyes na."

Dali-dali niyang hinagilap ang kanyang toothbrush. Habang nagsisipilyo ay lumabas muna siya para hagilapin ang kanyang cell phone. Kailangan niyang matawagan si Norie upang ipaalam sa kaibigan na magha-half day na lang siya. Ngunit bago pa man niya nai-dial ang numero ng kaibigan ay napatingin siya sa kalendaryo sa dingding at saka niya na-realize na Linggo nga pala ngayon.  Wala siyang pasok.

"Timang ka talaga, Portiana," sabi niya sa sarili. Bumalik na siya sa banyo at naligo upang mabawas-bawasan ang sama ng kanyang pakiramdam. Hindi na niya matandaan kung nakailang bote siya ng Tanduay Ice kagabi. Umuwi na siya at.... at...

Natigagal  si Portia. May naalala siyang malabong eksena... "Pinigilan ako sa kamay at... at alam ko pilit niya akong pinasakay sa sasakyan niya."

Narinig ni Portia na tumunog ang cell phone niya. Mabilis na niyang tinapos ang paliligo. Tatlong missed calls galing kay Norie ang nakita niya nang tingnan ang cell phone. Tinawagan na niya ang kaibigan.

"Musta ka na, Portia? Pinag-alala mo kami kagabi. Mabuti na lang at hindi agad umalis si Sir kaya naalalayan ka niya. Nagboluntaryo siyang ihatid ka dahil lasing ka 'tapos ang lakas ng loob mong magbiyahe mag-isa."

"H-hinatid niya ako hanggang dito?"

" Don't tell me hindi mo alam?"

"Natatandaan ko ngang nakasakay ako sa sasakyan niya, hilong-hilo na ako at nasusuka. Hindi ko na napigilan kaya... Diyos ko, nasukahan ko ang sasakyan niya..."

"Nukaba! Nakakahiya ka, Portia. Do'n ka pa nagkalat. Tiyak ang baho-baho ng sasakyan ni Sir."

Napakagat labi si Portia. "Hindi ko naman sinasadya. N-nakatulog na ako...." Then the realization hit her! Kung ganoon, sino ang nagpalit sa kanya ng damit ?

Nagising si Portia na nasa kama siya at iba na ang damit na suot. Hindi siya amoy-suka.

"Portia?  Hello! Hello!"

Ang init-init ng pakiramdam niya habang nagsasalimbayan sa isip ang posibleng eksena kagabi. Napansin nga niya kanina ang bimpo at palanggana sa ibabaw ng lababo.

"Portia? Uy, 'andiyan ka pa ba?"

"O-oo..."

"May problema ba? I mean, may naging hassle ba kagabi bukod sa nagsuka ka?"

"Masakit ang ulo ko ngayon," paiwas niyang sagot. "Para ngang nasusuka pa ako."

"O, siya sige, magpahinga ka na muna. Saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan. Ako rin, masama rin ang panlasa ko. Alas-kuwatro na nagsiuwi sina Marzan. 'Kita na lang tayo bukas sa trabaho. Siyanga pala, mamaya baka mai-upload ko 'yong mga picture. Ay, excited na akong makita aang mga picture ni Sir. Ay, kaya lang, hindi nga pala natin  friend sa FB. Hindi ko mata-tag sa kanya. Kapag nag-friend request kaya ako kay Sir, i-accept kaya niya?"

"Eh, di try mo na lang."

"Ganoon na nga."

Napabuga ng hangin si Portia nang mawala sa linya ang kaibigan. "Nanang ko, tiyak nakita niya ang hindi niya dapat makita. " Gigil na gigil siya sa inis. Hindi niya malaman kung kanino dapat mainis. Sa sarili o sa lalaking iyon. Kinalma niya ang sarili. Wala na siyang magagawa pa, nangyari na. Ang dapat niyang paghandaan ay ang sandaling pumasok na siya sa trabaho at makaharap  si Gannicus. Hindi niya alam kung paano  aakto nang normal sa harap ng binata.

MISS ULTIMATE BELIEVER IN TRUE LOVE (Published under PHR5303)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon