Chapter 15

26 3 1
                                    

Sinundan lang namin ng sinundan ang babaeng nakita ko pero parang unti-unti na kami naliligaw sa gubat na ito.

"Nasaan na siya?" Inis na tanong ni Mia.

"Ewan" matipid na sagot ko.

"Ano?! Hindi mo alam? Naligaw tuloy tayo dahil sa 'yo eh!" Sigaw ni Donna sa akin na galit na galit. Hindi ko na makilala ang kaibigan ko sa mukha at mga mata niya kaya nagtaka ako ng sobra sa isip ko.

"S-sorry Donna" naiiyak na sabi ko habang nakayuko.

"Sorry din kasi di ko napigilan yung inis ko dahil naligaw tayo" malungkot ngunit bakas sa itsura niya ang sincere na mukha.

Nginitian ko na lang siya.

"So paano na yan?" Tanong ni Lucas.

Maya maya ay may narinig kaming kaluskus ng parang tao o hayop? Pero di ko mapaliwanag.

"Shit" ani Abby.

"Natatakot na ako" ani naman ni Lian.

"Bakit nyo ako sinusundan?!" Sigaw na tanong nang babae sa amin kaya nagulat kami at napatingin sa kanya.

"H-huh sino ka!?" Sigaw na tanong ni Abby sa kanya.

"Ikaw sigura ang killer?" Tanong ni Lucas.

"Papatayin kita! Bwiset ka! Pinatay mo mga kaibigan namin!" Sigaw naman ni Donna.

"Bakit mo ba to ginagawa?" Mahinahong sagot ko pero nakakaramdam parin ako ng takot at kaba.

"Ano bang ginawa namin sayo?" Tanong ni Mia sa kanya.

Nilingon ko Rodrick pero tulala lang siya. Linapitan ko siya at hinawakan sa braso niya.

"Anong sinasabi nyo!? Hindi ako ang pumapatay! At ako si Rina" Sabi ni Rina daw.

"Bakit naman namin ikaw paniniwalaan" mataray na sambit ni Mia.

"Kasi natuklasan ko lahat at mukha naman kayong bagong biktima nila kaya sasabihin ko lahat ng nakita ko" Sabi niya sa amin.

"Paniwalaan natin siya. Diba pinaghinalaan nyo din ako pero hindi kayo nagsisi at nagkaroon pa tayo ng panibagong kaibigan at mas dumami ang tropa natin" ani Abby na ani mo'y sinasabi na 'pagkatiwalaan natin siya'.

"Sige, paniniwalaan ka namin Kaya sabihin mo lahat lahat ng alam mo" mataray at ma awtoridad na sabi ni Mia.

"Sige..." Sabi ni Rina. "Actually....biktima din ako at sampo kami magkakaibigan pero pinatay nila lahat ng kaibigan ko kaya ako na lang ang natira. Pinasok nila ako sa grupo nila, ginamit ako, binaboy ako at ginawang alipin pero simula nung nakita ko kayo.....Abby right?"

"Oo"matipid na sagot ni Abby.

"Kaya nakakita ako ng chance para sabihin sa inyo pero wala eh...bigo ako, namatay yung iba..." At humarap naman siya sa akin "Simula pa nung una na nakita ko kayo ay nagkaroon ulit ako ng chance pero base kasi sa nakikita ko eh parang mataray din kayo kaya hindi ako lumapit sa inyo..." Yumuko siya at nagsimulang humagulhul."Sorry, kaya ako naglakas loob harapin kayo kasi baka dumami pa ang mamatay sa inyo....hindi lang sila dalawa,lima,anim kung di.....basta madami sila" Sabi niya.

"Salamat dahil nagtapat ka" pasasalamat ni Rodrick.

"Actually matagal na kita nakikita pero di kita maalala eh.." Sabi pa ni Rina kay Rodrick. "May itinurok kasi sila sa akin kaya ang naaalala ko lang ay may sampu akong kaibigan at namatay sila lahat yun lang"

"Ako din eh may naaalala na may tumurok sa akin na parang ewan pero wala akong matandaan kahit isa" Sabi ni Rodrick na halatang nagugulumihati at nakakunot pa ang noo ng sobra.

Weird....

*Boogsh*

"AAAHHH!!!!" Sigaw ng lahat ng marinig iyon.

"Ano na naman ba yan!?" Sabi ni Rodrick.

"Ayaw ko na!" Sigaw naman ni Lian.

"SHET!!!" Sigaw din ni Mia at Abby.

"Gusto ko nang umuwi!!!" Sigaw ko naman.

Lalo lang ako natatakot dahil sa mga 'to, kaloka!

"Let's go!" Sigaw ni Mia at tumakbo na kami sa isang malaking kweba at hindi na namin pinansin na nakakatakot ito dahil gusto pa naming mabuhay.

Mia's POV

Natatakot na din ako pero ako lang ang maaasahan nila dahil bobito ang mga lalaki bwiset! Sa akin na lang lagi lahat asa!

Napalingon ako sa isang kweba kaya dahil sa takot ko ay hindi na ako nagdalawang isip pa na pumunta na doon at tinawag ang mga kasama ko.

Nakakatakot pero no choice dahil gusto ko pang mabuhay.

Shit...

Habang inoobserbahan namin ang kweba ay may nabasa naman ako...

'Distriktong Una'

"Guys!" Sigaw ko sa kanila at ipinakita sa kanila ang nakaukit na sulat sa bato.

"Distriktong una?.....hmmm?" Sabi ni Rodrick na nag iisip habang nakahawak sa kaniyang baba.

Ano kaya to?

"Guys!" Sigaw ni Donna.

Nilingon namin siya at nagbigay sa kanya ng 'bakit look'

"Nasa district one na tayo so that means.... may mga district pa na mapupuntahan natin para mahanap si Miss Gardoza" Sabi nya.

"Miss Gardoza?" Takang tanong ko.

"Si Miss Gardoza ay teacher namin at leader din kaya kapag nahanap natin siya ay malalaman natin kung sino ang killer tapos pagbabayarin natin sila sa ginawa nila sa mga kaibigan natin at makakaalis na tayo dito sa lugar na 'to" pagpapaliwanag ni Lian.

Sa sinasabi pa lang nila ay parang gusto ko nang ma meet si Miss Gardozang yun...

"Magandang ideya yan kaya kailangan na talaga natin siyang mahanap" sabi Lucas.

Teka....ay!!! Wait! Yung sulat!

Tinignan ko yung sulat tapos tinignan ko sa likod at laking gulat ko nang makita ang isapang sulat sa likod.

Distriktong Una
Distriktong Pangalawa
Distriktong Pangatlo
Distriktong Pang-apat
Distriktong Pang-lima
Katapusan...

"Guys.." mahinang Sabi ko at ipinakita sa kanila ang isa pang sulat na nabasa ko.

"A-anong katpusan?" Nanginginig na tanong ni Anika.

"Ayoko pang mamatay!" Sigaw ni Abby na umiiyak na.

"Hindi ako pwedeng mamatay" Sabi naman ni Lucas.

"Matagal na akong naligaw say lugar na ito at dito na rin ako nakatira....wala na akong maalala kung may pamilya din ako o kaya kaibigan pero parang wala naman kaya ok lang sa akin mamatay" naluluha at malungkot na sabi ni Rodrick.

"Huy! Ano ka ba! Nandito ako! Nandito kami! Bakit ganyan ka!? Wag mo nga sabihin yan kasi mahal Kita!" Sigaw ni Anika sa kanya at sabay iyak kaya niyakap siya ni Rodrick.

"Shhh...I'm sorry...di ko sinasadyang masabi yon" pagpapatawad ni Rodrick sa kanya.

Tss...

Mamamatay na puro pa rin drama! Mga immature.




A/N

Waaaa!!!!! Thank you so much for reading.

I love you all!

Thank you and Godbless us all😇

Noodle_cat05
Ang Author nyong bitter...

Girls Scout Camp (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon