Mia's POV
Kasalukuyan kaming naghahanap ng clue para makita si Jaydee pero wala talaga.
Nasan ka na ba...please magpakita ka na...
Ang hirap maghanap ng taong parang ayaw naman magpahanap.
"Pagod na ako" pagrereklamo ni Abby.
"Tsk. Ako din naman eh" sabi ko sa kanya habang nakanguso.
Gusto kong humiga at matulog pero hindi pwede dahil si Jaydee lang yung taong tahimik pero masaya kasama.
"Alam ng lahat na hindi niya deserve to...dahil sobrang bait niya" umiiyak na talagang sabi ni Abby.
"Hindi natin siya mahahanap kung iiyak lang tayo" Sabat ni Donna.
Medyo weird tong babaeng to pero malaki naman ang naitututlong.
"Guys!" Sigaw ng isang babae at kilala ko siya.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Nahanap niyo na siya? ano?" Nagugulumihating tanong ni Abby.
"Hindi, pero may nakita kami" sabi ni Anika.
"A-Ano?" Kinakabahang tanong ko.
"Halikayo. Sumunod kayo" Sabi ni Anika na iwinawagay way pa ang mga kamay kaya sumunod na lang kami sa kanya.
Pagkarating namin ay...
"Huh!?" Gulat na singhal ng lahat.
"Oh my..." Gulat at naluluhang sabi ni Anika.
Tiningnan ko sa kaliwa ko si Abby na hindi na napigilang humagulhul sa karumal dumal na bangkay ni Jaydee.
"W-Wala yan k-kanina ah!?" Nauutal sa takot na ani Lian.
"J-Jaydee" wala sa sariling naiusal ko na lang at hindi na napigilang maluha.
Arianne's POV
Ilang araw na pero hindi parin bumabalik sila Anika.
"Bes, Hindi Kaya....wala na sila" nagaalala at naiiyak na sabi ko.
"Shhh wag ka ngang mag sabi niyan" suway niya sa akin.
"Ilang--" pinigilan niya ako sa pagsasalita.
"Pwede ba!?" Inis na suway niya sa akin.
"S-Sorry" naiusal ko na lang.
"Hindi mangyayari yon" Sabi niya na naninigurado.
"Pano mo nasabi?" Takang tanong ko.
I'm scared.
Instead na sagotin niya ang tanong ko ay ngumisi lang siya ng nakakaloko.
Now I'm really scared as shit.
Lately kasi....si Monika ay nakikita ko na nakangisi at nakatingin sa kawalan.
Para siyang sinapian.
"Moni--"
Anika's POV
Katatapos lang ilibing ng mga boys si Jaydee at panay iyak pa rin ng ibang mga kababaihan dahil nawala na ang isa sa mga matalik naming kaibigan at hindi namin alam kung sino na ang susunod sa amin.
Naaawa na ako kay Abby dahil lagi na lang siyang umiiyak kapag may bagay na naaalala siya na related kay Jaydee.
"Mia" tawag ni Donna sa kanya.
BINABASA MO ANG
Girls Scout Camp (Slow Update)
Misterio / SuspensoWhen the teenagers went to the camp may mga pagsubok silang haharapin. Makakasurvive Kaya sila? O they will just suffer and see kung paano mamatay ang mga kaibigan nila? Sino kaya ang killer? August 29,2018