Prologue

420 19 6
                                    

"Let us congratulate the graduates of Xinnazi University!"

Tumayo na ang lahat at nagpalakpakan, ang iba'y naghihiyawan, ang iba nama'y nagsitapunan ko ng kanilang hats.

"Guys! I'm so happy! Thank you!" Sigaw ni Seven habang yakap si Krzyl at Seirra.

"Uy, ako pala hindi mo ba ako yayakapin?" Tanong ng kanyang boyfriend na si Dylan.

"Syempre naman! Tse! Manigas ka!" Sungit niyang sagot.

"Hep! Tama na nga 'yang pre-lambingan niyo diyan! By the way I have tickets for a European cruise! My ghad it's so exciting!" Masiglang sigaw ni Seirra at pinakita ang pitong silver tickets.

"That's great baby!" Sambit ni Vincent.

"Anong baby ka diyan!?" Tanong ni Seirra na nakapameywang at taas-kilay.

"Wala!" Sagot ni Vincent sabay kamot ng kan'yang ulo.

"Nga pala Sei, kailan ba tayo lilipad para d'yan?" Sambit ni Peter sa likod niya.

"Next week Saturday. Mahaba-haba pa ang oras." Sagot niya.

"Alex! Sasama ka ba?" Sigaw ni Krzyl sa lalaking nakaupo sa gilid.

"Kayz... No." Sagot ni Lawrence at sinamaan ng tingin si Krzyl.

"Ano ka ba Alex! Please sige na! KJ mo naman eh!" Sabi niya habang niyuyugyog si Lawrence.

"Psshhh. Fine, fine. I can't say no." Sabi niya. He sighed in defeat.

"Thank youuuu!" Sigaw ni Krzyl at nagtalon-talon. Hinalikan niya si Lawrence pagkatapos.

"Ayan oh! Namumula ka na!" Pang-aasar sa kaniya ni Krzyl.

Kinantyawan naman siya ng iba pang kaibigan niya.

"Stop it, Kayz." Bulong niya at tinignan ng masama ang girlfriend niya. Namumula pa rin siya dahil sa pang-iinis ng kaniyang katropa.

"Yiiieee! Kinikilig ka nanaman eh! Uy! Uy!! Alex!" Sigaw niya.

Nakatalikod pa rin si Lawrence sa kaniya habang nakacross-arms.

"Tch..." Inis niyang singhal. Kinulit-kulit naman siya ni Krzyl.

"Uy, sorry na, Alex! Kiss na lang kita sa cheeks!" At inilapit niya ang mukha niya sa gilid ni Lawrence para sana halikan sa pisngi pero lumingon si Lawrence sa kaniya kaya sa labi niya ito nahalikan.

Napatakip naman si Krzyl ng labi at pinagpapalo si Lawrence.

"Kainis ka! Bwisit! Bahala ka diyan!" Sambit niya at tumalikod.

Tumawa naman si Lawrence.

"Hoy! May audience po dito! Huwag na po 'yung sekswal!" Parinig ni Seven. Tumawa silang lahat.

Umalis na sila at pumunta ng mall para magcelebrate.

Nag-arcade sila. Nagfood-trip. Nagshopping.

"Salamat sa araw na ito! Bye!" Paalam nila sa mga lalaki pagkatapos nilang ihatid sila pauwi.

***

One week. Ang pinakahihintay na araw nila. Ang aalis para mag European cruise.

"Matanong nga kita Seirra, saang lugar ba tayo pupunta?" Tanong ni Krzyl habang nag-iimpake.

"First, Venice, Italy. Second, Barcelona, Spain. Third, Lisbon, Portugal. Next is Le Havre, France. At ang pinakahuli ay sa Hamburg, Germany. Oh, sulit hindi ba?" Sagot niya.

"Oo nga! Mukhang exciting nga 'to!" Sigaw ni Krzyl.

Si Seven naman ay nasa labas, hinihintay ang sasakyan.

My Youth With YouWhere stories live. Discover now