Chapter Twenty-nine

21 7 1
                                    

Martes ng umaga ay nakanguso ako hanggang sa pagkain namin. Kasalukuyan kaming nasa isang cafe para magpahangin, kanina ko pa tinitignan ang phone ko ngunit wala pa ring text o tawag mula kay Dylan. Napano na ba ang Bakulaw na 'yun? Magtatatlong araw na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Busy ba talaga siya masyado para balewalain ako?

Inagaw ni Krzyl ang atensyon ko kaya napabalik ako sa sarili ko. "Seven, kanina pa kita tinatawag. Ano ba ang iniisip mo?" Tanong niya. Dahan-dahan ko siyang binalingan ng tingin at inabot sa kanya ang phone ko. Kinuha niya ito at tinignan.

"Anong gagawin ko dito? Tatawag?" Umiling ako. Napabuga siya ng hangin at binalik sa akin ang phone ko.

"Sabihin mo nga sakin, ano ba ang iniisip mo? Si Dylan ba?" Tumango ako na parang bata na napilitan. Kumunot ang noo niya at inilagay ang palad niya sa noo ko, "wala ka namang lagnat ah. Bakit parang ang tamlay mo?"

"Nasa phone ang sagot.." Walang buhay kong wika sa kanya. Kinuha naman niya ulit ang phone ko at nagscroll.

"Ahh. Hindi ba niya sinasagot tawag mo?"

"Oo. Nag-aalala na ako."

"Tinext mo ba? Baka naman busy talaga siya masyado. Tapos hindi niya nachecheck ang phone niya. Malapit na siyang umuwi eh. Tiisin mo nalang." Sambit niya habang tinitingnan ang messages ko kay Dylan.

Hayss, ano bang nangyari sayo Bakulaw ka kaya't hindi mo 'ko macocontact?

"Nag-alala na ako sa kanya. 'Di naman siya ganito na putol talaga ang linya namin eh. Kahit busy 'yon, sinisingit niya ako."

"Intindihin mo na nga lang. Hindi talaga maiwasang mag-alala pero, family company naman ang inaasikaso niya. Baka may urgent needs lang si Dylan kaya nakalimutan niyang sabihan ka."

Urgent needs? Aba, hindi ba pwedeng mag-text man lang na 'off for few days, urgent needs' o kahit tawagan ng saglit para ipaalam ako? Ngayon na wala akong contact sa kanya kaya nag-aalala ako ng husto kasi hindi ko alam kung kumusta na siya.

"Eh hindi ba niya kayang ipaalam sa akin kahit five seconds man lang? Girlfriend niya ako pero hindi man lang niya ako pinagsabihan para hindi ako mag-alala ng grabe? Krzyl natatakot ako. Baka malaman ko nalang na..." Pinigilan niya ako. Kumuha siya ng tissue sa bag niya

"Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano diyan. Loyal na lalaki si Dylan at hindi ako naniniwalang hahanap 'yun ng iba." Biglang sumingit si Seirra na kakabalik lang galing sa comfort room. Umupo siya at kumain ng cheesecake. Inubos niya ang nginunguya niya bago nagsalita ulit, "subukan niya lang maghanap ng iba, ipapalapa ko siya sa mga buwaya du'n sa farm ng tito ko."

"Eh hindi ko maiwasang mag-isip eh. Paano kung nagsawa na siya sa akin kaya hindi na siya nagpaparamdam? Paano kung iniba niya ang phone number niya? Paano kung ayaw na niya sa akin?"

"At ikaw ring babaita ka puro nega din pala ang iniisip mo." Pagbubunganga sa akin ni Seirra, "huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-anong bagay diyan na ikakadepress mo. Iuuntog ko ang ulo mo sa salamin sa gilid mo kung mag-iisip ka pa ulit, tignan mo." Wika niya kaya napanguso ulit ako.

"Tatawagan ko na nga lang siya ulit." Sambit ko at dinial ang number ni Dylan. Nag-riring pero hindi naman sinasagot. Tinawagan ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon at sa wakas sinagot na niya ito.

"Bakulaw! Bakit ngayon ka lang nagparamdam ah? Alam mo bang sobrang-sobra ang pag-aalala ko sa'yo kung ano na ang nangyari sa'yo? Tapos hindi ka man lang makareply sa mga mensahe ko!" Naluluha kong sigaw sa phone. May narinig akong tikhim sa kabilang linya. B-Boses babae.

"Miss, don't bother Kyle for the mean time. He's busy with someone else." Pinatay na niya ang tawag, sabay nito ang pagpatak ng luha ko.

S-Someone?

My Youth With YouWhere stories live. Discover now